It's so pretty with its flowing layers of chiffon and whimsical floral embroidery, this bohemian-inspired gown offers a relaxed yet elegant vibe. The off-the-shoulder neckline and airy silhouette make it a breezy and beautiful choice for an outdoor celebration.

Next is vintage charm. This gown showcases intricate lace detailing and a timeless silhouette. The sweetheart neckline and capped sleeves evoke classic beauty, while the soft tulle skirt adds a touch of whimsy, perfect for a nostalgic celebration.

Tumango-tango ako at tiningnan ang pinakahuli.

Garden Goddess is inspired by nature. This ethereal gown features floral appliqués and soft tulle layers that evoke the beauty of a blooming garden. The plunging neckline and flowing skirt create a sense of enchantment, perfect for an outdoor garden celebration.

Napaisip ako saglit. Mukha namang mahilig magtravel si tita dahil minsan ay nakikita ko ang mga picture na ni-post niya. Mukha namang mahilig siya sa nature.

"Babagay 'to sa kaniya" sabi ko at binigay kay Rinoa ang papel.

Kinuha niya iyon at tiningnan.

"Alright, thank you!" Sabi niya at nilagyan ng check ang papel.

Kinuha ko ang lychee juice at humigop. Bumalik ako sa room para magkunwaring nag-aaral. May tutor naman ako at mas naiintindihan ko ang tinuturo niya kaysa kay prof. Mas nakakapag-focus din ako dahil tahimik at walang nagpapadistract sa akin. Hindi katulad dito na marami, isa na roon si Chanel.

Pabagsak akong umupo sa sofa nang makauwi sa penthouse. Nakatingin ako sa chandelier at walang iniisip. Walang pumapasok sa utak ko ngayon. Parang blangko lang.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako roon hanggang sa mapagdesisyunan kong umakyat sa taas at maligo dahil darating na naman si Nerdy mamaya. Habang nasa ilalim ng shower ay bigla kong naalala ang nangyari kanina.

"I'm sorry pero kailangan na naming pumasok"

He held her in her pulse. Tiningnan ko ang aking kamay at bumaba iyon pababa sa aking pulso. Nakatitig lang ako roon habang nababasa ng tubig. Imagining his hand there.

What?

I blinked. Did I just...

Pumikit ako at huminga nang malalim. I can't believe myself. Ang kamay na tiningnan ko kanina ay ginamit ko pangkuha ng sabon at sinabunan ang aking pulso. Gosh! Bakit ko naman naisip 'yon.

Napatigil ako sa pagrub ng pulso nang may marinig akong nagdoorbell. Is it him? Ang aga naman niya? Binanlawan ko ang kamay at kinuha ang bath robe. Bumaba ako nang iyon lang ang suot. Walang kahit anong tapis sa loob.

Sinilip ko muna kung siya nga ba iyon. Just making sure. Binuksan ko ang pinto nang malawak para makapasok siya agad.

"You're early today" bungad ko.

Hindi siya pumasok at nanatiling nakatayo sa pinto, nakatitig sa mga mata ko.

"Hey" sabi ko at kumaway sa harap ng mukha niya. And damn, he's not even blinking. "Huy" tawag ko at mahina siyang tinulak sa balikat para magising dahil mukha siyang tangang nakatayo na parang statue sa harap ko.

"Uhm..." he cleared his throat at umiwas ng tingin.

"Hindi ka ba papasok?" Kunot noong tanong ko.

"Hindi..." nakita ko ang pag-alon ng adams apple niya. "I-I mean, hindi ka ba muna mag...magbibihis?" Utal niyang tanong at hindi pa rin tumitingin sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa suot kong puting roba. Wala naman akong nakikitang dumi roon at maayos naman ang pagkakalagay.

"What's wrong with wearing this?" Tanong ko nang mag-angat ng tingin sa kaniya.

Loving This BitchWhere stories live. Discover now