II

3 0 0
                                    

ARIA'S P.O.V.
-
Ang ingay.

Papasok palang kami sa ng port ay naririnig na namin ang mga barko. Marami na ring mga pulis ang nakakalat sa may entrance palang, dahil nga siguro sa delikado ang mga pasahero ng barkong sasakyan namin.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko dahilan para mapatingin ako, kamay ni ma'am Danna. Naramdaman niya siguro na kinakabahan ako kaya sinubukan niya akong pakalmahin sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko. Nakahawak din siya sa kamay ni Marie dahilan para mapangiti ako. Lahat kami ay kinakabahan.

Saktong pag tigil ng sasakyan namin ay sakto ring kakapasok lang ng mga criminals sa loob ng barko kaya napunta na sa'min ang atensyon ng mga authorities. Binati namin ang mga ito nang makababa na kami at tinulungan naman nila kaming magbaba ng gamit.

Tumingin muna ako sa barko at nang ibalik ko na ang tingin sa mga kasama ko, nakita kong yakap ni Tita ang anak niya, si Marie. Naramdaman ko naman na may humawak ulit sa braso ko dahilan para mapatingin ako.

"Kailangan nyo na pumasok sa barko." Nakangiti ngunit malungkot na sabi ni ma'am Danna.

Wala na akong nagawa dahil in-escort na ako ng isang pulis palapit sa barko. Napalaki pala nito compared sa kanina kong iniisip. Bago pumasok, lumingon muna ulit ako saglit kay Aria na ngayon ay naglalakad na rin palapit sa barko, pero nakatingin pa rin kay Tita.

Pagkapasok ko, may isang babaeng pulis ang naghihintay sa'kin. Ngumiti ito sa'kin at binati ako. "Good afternoon, Aria." Bati niya na binati ko rin pabalik. "Tara."

Pinaubaya na ako ng kaninang nag-aalalay sa'kin sa kaniya at inalalayan naman ako ng babaeng pulis papasok. Pumunta kami sa pinakataas na floor ng barko at nakita kong may mga iba pang pulis ang nakabantay sa bawat pinto ng limang kwarto.

Nginitian ko sila at binati, at bumati rin sila pabalik sakin na may kasamang ngiti.

"Matapang na bata Kung ano-ano nalang talagang ginagawa ng gobyerno sa mga estudyante ngayon. Hayaan mo na, protektado ka naman dito. Aria Zerrudo?" Sabi ng isang malapit sa'min. Tumango lang ako bilang sagot.

"D'yan na muna kayo, seniors. Maggi-girly talk lang kami ni Aria." Sabi ng babaeng pulis habang hawak ako sa braso.

Nagtawanan sila saka kami naglakad palampas sa kanila. Tumingin ako sa bintana ng isang kwarto na sa tingin ko ay kwarto ng isa sa mga killers, pero wala akong nakita kundi pader. Siguro dahil nakaupo siya.

"Dito ang magiging kwarto natin." Sabi ng pulis nang makapasok kami sa kwarto na medyo malayo sa kaninang mga kwarto.

Binaba ko muna ang mga gamit ko at inobserbahan ang paligid. May foam bilang higaan, may CR, may salamin, at mini table upang pagkainan. Ngunit ang pintura ay hindi na bago. Halatang hindi na rin naaayos. Pero walang problema. Maayos ang kwarto, siguro ligtas naman ako dito.

"Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala." Humarap ako nang magsalita ang kasama ko. "Ako si Officer Elisse Mariano. You can call me ate El."

Inilahad niya ang kamay niya kaya nakangiti ko 'tong tinanggap. "Aria Zerrudo po." Nakangiti kong pakilala.

Napatawa ito at sinabing kilala na niya ako bago pa mai-announce sa'min na kami ang magiging interviewer ng mga nag killing spree sa Pilipinas.

"Ladies and Gentlemen. This is Captain Propername speaking. I have pleasure in informing you that all safety equipment is in full working order. The stern doors are closed and secured. The vessel is in all respects ready for sea. Bon Voyage!"

A Knife For A LifeWhere stories live. Discover now