05

10 0 0
                                    




Ikaw talaga ang definition ng lirikong "handa akong manatili hanggang sa 'yong pag kalma" dahil sa tuwing hindi ako makahinga sa mundong nakakapagod na ay nandyan ka para bigyan ako ng  pahinga. Ang presensya mong tila kumot sa malamig na hamog tuwing gabi ay bumabalot sa katawan kong nanginginig sa takot at pighati.

At ako naman? Definition ako ng depressive girlfriend na iiyak pag di mo binaby. Ewan ko ba, corny naman to sa paningin ko dati pero simula nang dumating ka ay gusto ko ng tinuturing akong bata. Siguro dahil hindi ko naranasan 'yon nung bata pa ako, no?

Hindi man halata pero marami akong sugat. Hindi sa pulso ngunit sa hita. Hirap akong sabihin yon kahit sa mga kaibigan ko ngunit madali ko lang siyang nakwento sa'yo. Casual lang pero kabadong kabado na ako.

Dumating sa puntong updated na siya sa sugat ko. Alam na niya kung gumaling na at may bago. Alam na niya kung nakakapag short na ako at alam niya rin kung bakit nakapang pajama lang ako. Alam niya lahat.

Kaya sa tuwing maririnig ko ang lirikong iyon ay naalala ko siya. Siya ang definition non sa paningin ko. Siya ang halimbawa sa lahat ng kantang masarap pakinggan na naririnig ko. Siya lang, siya lang ang kabisado ang minsang pag daing ko sa tuwing may sugat ako at ang nag ta tanong kung saan nang galing ang maliit pa sa maliit na sugat sa kamay ko.

Siya lang at walang iba.

.-----

hi, cal : ) Where stories live. Discover now