03

9 0 0
                                    

---

I've been hating the idea of having a "father figure.' Feeling ko ang cringe, ang corny. Corny kaya na may nag aalagang lalaki sa 'yo at nag papakatatay para sa 'yo.

But tadhana didn't listen to me at all. Dumating ka, e. Yung matatakbuhan ko pag wala akong pamasahe at bigat na bigat ako sa bag ko. Dumating 'yung nag reregalo sa 'kin ng mga bagay na hindi ko nakukuha o natatanggap nung bata ako galing sa tatay ko e. Dumating 'yung handang pakinggan yung kwento ko kung gaano ako kagalit sa tatay ko e.

At ang nakakatawa? Yung pamilya niya mas pamilya pa yung turing sa 'kin kesa sa tatay kong emotionally and physically unavailable. Kasama kaya ako sa plano ng tatay nyan, mag momotor na raw siya para mahatid ako? E yung tatay ko, hindi manlang inisip kung nakakatawid ba nang matino yung anak niya. Wala nga atang ideya yon na kailangan pa akong hawakan sa braso at sa bag pag tatawid dahil yung anak niya, hindi marunong.

Ayoko ng father figure. Weird din naman kung isipin kong tatay ko siya, 'di ba? Pero siya.. pinaparamdam niya kasi yung mga hindi ko naramdaman sa tatay ko. Hindi lang siya ka m.u, bff, kaklase, schoolmate o kakilala. Pinaparamdam niya sa batang ako na may tao, may lalaking kayang gawin yung hindi nagagawa ng tatay ko.



- - - - -

hi, cal : ) Where stories live. Discover now