"Anyare?"takang tanong ko sa kanya.


"Ang sarap mo talagang maging kaibigan. Libre titig sa mga gwapings na kuya at ate mo!"kinikilig nitong sabi.


Kumakanta pa ito papasok ng classroom namin at iniwang nalang akong bigla sa labas. Yeah! Nagdidiwang siya kasi kasama ko rin naman siya kanina kaso nagpahuli lang siya dahil gusto niya.

Napapailing nalang rin akong sumunod sa kanya.

Pagkatapos ng isa't kalahating oras na klase namin, nagmamadali na akong nagpunta sa kinaroroonan ng mga kapatid ko at pinsan ko. Pagkalabas ko ng room biglang may nanghila sa akin na ikinagulat ko, only to found out si Neri pala kasama niya si Jane.


"Aray! Ano ba?"palag ko sa paghila ni Neri sa akin.


"Sa canteen tayo beshy. May ipapaliwanag ka sa amin!"saad nito na ipinagtaka ko.


"Teka! Kelan pa kayo naging magkaibigan?"takang tanong ko sa kanilang dalawa.


"Hindi na importante yan sa ngayon! Sumama ka nalang muna sa amin!" iwas ni Neri sa tanong ko habang pilit pa rin akong hinihila.


Hila-hila nila ako hanggang sa makarating kami sa canteen. Napalingon halos lahat ng estudyanteng andun. Punuan pa naman kaya nagdalawang isip akong tumuloy.


"Punuan na rito, Neri. Sa labas nalang kayo tayo?"suhestyon ko sa kanilang dalawa.


"Oo nga no?" nagkandahaba na rin ang leeg niya sa kakatingin kung may bakante pa ba.


"Sa labas nalang tayo, may alam akong kainan na tiyak magugustuhan nyo."nakangiting sabad sa amin ni Jane.


Pero naalala ko ang mga kapatid ko na nasa opisina ni maam Engrid at nag-iintay.


"Wait! Paano na mga kasama ko? Baka mapagalitan nila tayo!"nag-aalalang saad ko sa kanila.


"Hindi yan. Tawagan mo nalang at pasunurin mo sa lugar kung saan tayo pupunta. Mas mabuting mauna na tayo roon para makapagreserve na tayo ng mesa at maka order na rin."suhestiyon naman ni Jane.


"May tama si Jane, Bella!"segunda naman ni Neri sa sinabi ni Jane.


"Maglalakad lang ba tayo?"tanong ko uli sa kanila.


"Yes!" sagot ni Jane.


Dahil siya ang may alam sa lugar na yun kaya siya na ang nauna. Pagkarating namin doon agad akong tumawag sa mga kapatid ko. At isang malaking sermon ang nabungaran ko sa kabilang linya. Literal na sermon galing kay kuya Aldwin. I managed to say the address ng kinaroroonan namin. Malapit lang naman sa univ ito, its just a 10 minutes walk.

Kailangan mo lang pumasok sa isang maliit na eskinita at agad mo itong makikita pagkatapos ng ilang hakbang.

Pwede naman kumain sa loob pero mas pinili naming dito sa labas pumwesto dahil mas mahangin dito.

Busy sa pagchichikahan sina Jane at Neri habang busy rin akong nagsco-scroll sa socmed ko ng biglang may tumabi sa akin.

Paglingon ko, gayon na lamang ang pamumutla ko ng mapagsino ang tao sa tabi ko.

It's Ken! Again!

Huli na para mahawakan ako ni Neri dahil nauna na akong mahila ni Ken.


"Ken! Ano ba?! Bitawan mo si Bella!" sigaw ni Neri sa kanya.


"Ken! Nasasaktan ako!"pagpupumiglas ko.


Hindi ako makagalaw kahit gustuhin ko kasi nakapihit na sa likod ko ang mga kamay ko at mahigpit itong hinawakan ni Ken.

Akma na sanang lumapit ni Neri sa amin ng maglabas ng maliit na kutsilyo si Ken at itinutok ito sa may leeg ko.


"Sige,subukan mong lumapit! Mawawalan ka ng kaibigan!"pambabanta nito.


Ang lamig ng pawis ko sa mga oras na iyon. Napapikit na ako at nagdasal na sana darating ang mga kasama ko.


"Gusto lang kita kausapin ng masinsinan , Bella."saad nito sa akin na may himig ng pagsusumamo sa boses nito.


"KEN! Hayop ka talaga! Bitawan mo yang kapatid ko!" sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa likod namin.


Paglingon ko, it was kuya Aldwin shouting. Nakikita ko rin sa mga mukha ng iba kong kasama ang pag-aalala. Lalapit na sana si ate Franz sa amin pero ako na mismo ang pumigil sa kanyang balak.


"No ate! Let him have me. He just want to talk to me!" naiiyak kong pigil sa kanila.


Nakita kong nag-iba ang ekspreyson sa mukha ni Ken ng makita na niya akong umiiyak.

I know Ken didn't intend to this thing to me. Dala lang siguro ng selos niya kaya niya nagawa yun kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Hindi na ako pumalag pa ulit. Nakatingin lang sa amin ang lahat habang parang hinohostage ako ni Ken.

Hila-hila ako ni Ken papunta sa isang sulok ng kainan palayo sa kanila.

Pero bago pa man muling makapagsalita si Ken, isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Kasunod noon ang pagluwag ng pagkakapihit ni Ken sa mga kamay ko at ang unti-unting pagbagsak ng katawan nito sa tabi ko.

Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng putok, I saw Fran! I wanted to scream but I can't! Shock and can't even moved a muscle dahil sa nangyari habang nakatitig kay Fran na puno ng galos at dugo! Puno ng pagtataka ko siyang pinagmasdan hangngang sa may humila na sa akin papalayo sa lugar na iyon habang ang lahat ay nagkakagulo.

Habang papalayo ako, nakita kong inalalayan na nina ate Franz si Franey. Nakita ko sa mga mata nito ang pag-aalala at galit habang nakatitig sa akin ng mabuti.

Nagsidatingan na rin ang mga ambulansya at mga pulis. Nakita ko ring dinampot at pinusasan si Ken bago ito isinakay sa ambulansya at dinala sa ospital.

Hindi na ako naka-alma pa ng isinakay ako sa kotse at inilayo sa lugar na iyon ng hindi man lang nakakausap si Franey.

The BodyguardWhere stories live. Discover now