Chapter 1

5 0 0
                                    

11:00 na ng gabi but still hindi parin ako makatulog sa kadahilanang napa sobra ata ako ng kape kanina kaya hanggang ngayon ay di parin ako dinadalaw ng antok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

11:00 na ng gabi but still hindi parin ako makatulog sa kadahilanang napa sobra ata ako ng kape kanina kaya hanggang ngayon ay di parin ako dinadalaw ng antok. Ipinikit ko ang mata ko at nagbibilang sa isip ko para kahit papano ay antukin ako pero naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko at nakita kong tumatawag siya, tumatawag sakin si Atlas

"hello" halos pabulong na sagot ko ng marinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya

"nasan ka? may ginagawa kaba? " malungkot ang boses niya sa kabilang linya kaya inilayo ko sakin ang cellphone at ako naman ang napabuntong hininga

"wala naman nakahiga lang matutulog na sana " mahina ang boses kong sambit ng narinig ko ang pag singhot niya "anong nangyari? nag away ba kayo? " tanong ko ng marinig ko ang mahinang paghikbi niya kaya napapikit ako ng madiin at bumagon sa higaan ko

"Ahvi" garalgal na pagtawag niya sa pangalan ko. Mabilis kong kinuha ang jacket sa swivel chair ko at isinuot ito at mabilis na lumabas ng bahay.

"Wait for me papunta na ako" sambit ko at pinatay yung tawag.

Alam ko na kahit hindi niya sabihin ay alam ko kung nasan siya ngayon. ganun ang gawain niya sa tuwing hindi sila nagkaka intindihan ng girlfriend niya at naging malala ang away nila. Atlas is soft at hindi ganun katatag ang loob niya para hindi masaktan sa maliit na bagay lang. Madali siyang umiyak at hindi rin siya kasing tigas ko na hindi kayang mag open sa kahit na kanino, siya yung tipo ng tao na kahit kanino ay kaya niya mag open dahil madali siyang mawala sa sarili kapag nasasaktan siya..gusto niyang ilabas agad yung sakit dahil hindi niya iyon kayang indahin. Ganun siya kahina at ako yung lakas na meron siya , ako yung malakas saming dalawa pero may hangganan ang lahat... kahit gaano pa ako kalakas nagiging mahina rin ako lalo na kung pagdating sa kanya, pagdating sa problemang meron siya.

Atlas and I are bestfriend since grade 7. Pagtapak palang namin ng junior high ay naging magkaibigan na kami , kung ano ang dahilan? hindi ko rin alam. biglaan nalang ang pagiging close namin na hanggang ngayon 3rd year college na kami ay magkaibigan parin kami. Kahit na simula't sapul ay palagi na rin niya akong nasasaktan.

Nang matanaw ko ang lugar ay mabilis kong inakyat ito at ng marating ko ang tuktok ay binuksan ko ang pinto at agad siyang hinanap ng mga mata ko, nakita ko siya sa dulo habang nakatingin sa malayo at malungkot. Dahan dahan akong lumapit sa kanya na walang binibitawan kahit konting ingay dahil alam ko na nag iisip to. Nang makarating ako sa tabi niya ay tinanaw ko rin ang siyang tinatanaw niya bago ko basagin ang katahimikan dahil hindi parin niya ako napapansin.

"Atlas" mahinang sambit ko kaya agad siyang napatingin sakin. "hindi ko tatanungin kung okey ka lang ba kase obviously hindi ka okey" wika ko at idinantay ko sa railings ang mga braso ko.

Isang apartment eto na abandonado na, may hagdan ito sa gilid paakyat sa pinakatuktok at dito tanaw mo ang bawat kabahayan. Nagsimula siyang magpunta sa lugar na eto nung unang beses na nasaktan siya , dito raw siya dinala ng mga paa niya kaya eto na ang nakasanayan niyang puntahan sa tuwing nag aaway sila , malungkot siya or nasasaktan. Ilang taon na rin.

"Ahvi, may mali ba sakin?" halos pabulong na wika niya at kita ko ang pangingilid ng luha niya habang nakatitig sakin. Iniwas ko ang tingin ko at napabuntong hininga.

"uulitin ko.. walang mali sayo hmm? sadyang may mga bagay lang talaga na hindi niya nakikita kaya ka niya nasasaktan at kaya iniisip mong may mali sayo.. pero Atlas sa ilang taon nating pagkakaibigan, masasabi ko na walang mali sayo" malumanay na wika ko at tumingin ng bahagya sa kanya.

Ang mali lang sayo ay bakit ang manhid mo para hindi malaman na nasasaktan mo ako, ang manhid mo para hindi malaman na matagal na kitang mahal at matagal na akong nagpapaka tanga sayo.

"p-pero bakit ganun, madalas niya sabihin na mahal niya ako pero bakit ang sakit niya naman atang mag mahal? ansakit Ahvi" sambit niya at doon na siya nagsimulang humagulgol

"hindi natin tantiyado ang takbo ng utak ng isang tao Atlas, maaaring mahal ka niya pero andun parin yung pinaparealize niya sayo ang mga bagay bagay na magpapalinaw sayo pero na mi-misinterpret mo. Nasanay ka kase na masaktan ng masaktan, konting bagay dinadamdam mo kaya siguro inisiip mo na masakit siya magmahal pero ang totoo para sayo din yon." wika ko at nakatitig lang siya sakin habang patuloy ang pagdaloy ng luha niya "hindi ko ini-invalidate yung feelings mo kase  naiintindihan kita at valid naman pero Atlas sana matuto ka rin maging matigas , yung hindi masaktan sa simpleng bagay lang dahil kapag nasanay ka sa ganyan mas lalo siyang mapagod at maiwan kang mag isa " lumulunok na wika ko dahil hindi ko alam san ko humuhugot mga sinasabi ko.

Kailangan mong maging matigas kase hindi habang buhay mag istay ako, hindi ako habangbuhay magiging martyr. Nag istay ako kase kailangan mo ako at hindi ko pa kayang isuko yon sa ngayon. Kailangan mong maging malakas kase dadating ang araw na titigil na ako at hindi na hahayaan ang sarili kong masaktan pa.

Tulungan mo sana yung sarili mo at sana gawin mo rin yung bagay na yon para tulungan ako , kahit yung bagay na lang na yun ang pambawi mo sakin.

"sa tingin mo ba?" tanong niya kaya ngumiti ako ng maliit at tumango sa kanya

Nakita ko naman agad ang pagsilay ng ngiti sa labi niya

"Thank you so much Ahvi, sobrang salamat sa lahat. Hindi ko alam ano gagawin ko kapag nawala ka sakin. Ahvi please stay with me kase kailangan kita hmm?" sambit siya at yumakap sakin.

Naramdaman ko ang pag iinit ng gilid ng mata ko pero itiningala ko ang ulo ko at napangiti ng mapakla habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

Tama hindi ako dapat mag expect... kase ganito siya hindi dahil may nararamdaman siya sakin kundi dahil kailangan niya lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BACKBURNERWhere stories live. Discover now