"Baka mag tampo ka Aga ha."

"Bakit naman ako mag tatampo? Ako na nga mismo ang nag papalaya saiyo. Mas ayos na ako sa protocol officer. Same position pa din naman. Kaya huwag kang mag alala." Saad ni Aga. Napatango tango naman si Mimi. Pabalik balik ang tingin ko sakanilang dalawa habang nag uusap sila.

Pag mag sasalita si Aga ay sakanya ang tingin ko. Kapag mag sasalita naman si Mimi ay sakanya naman ang tingin ko. Pabalik balik lang habang nag sasaluhan sila ng mga salita.

"I'm Chloe Lopez. Running for secretary." Nakangiting saad nung babae. Sunod sunod ang pag papakilala ng bawat isa.  Samantalang ang dalawa naman na katabi ko ay hindi pa din desidido sa position na kukunin nila. "Hoy siguro kaba talaga?" Pangungulit ulit ni Mimi kay Aga. Tumango tango naman si Aga.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag tanong dahil parehas silang bubuyog na nag uusap sa harap ko. "Sino sainyong dalawa ang tatakbo bilang president?" Kunot nuong tanong ko sa dalawa. Agad silang napatingin sa akin na para bang may kung ano sa tingin nilang dalawa sa akin.

Pinag taasan ko silang dalawa at agad na tinuro yung sarili ko. Agad naman silang tumango tango. Mas lalong nangunot ang nuo ko dahil sa ginawa nilang pag tango. "B-Bat ako?" Kabado na natanong ko sa dalawa. Mag sasalita na sana si Aga pero hindi nya na nagawa nung sya na ang mag sasalita.

"I'm Agassi Muhlach. Running for protocol officer." Matamlay na saad ni Aga. Bakas sa kanyang mukha na hindi nya gusto yung tinatakbo nyang position. Nakaramdam naman ako ng awa para sakanya habang nag sasalita sya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng ito ngayon. Kahit wala naman syang ginagawa.

Nakagat ko ang ibaba kung labi nung mag tinginan sila ngayon sa akin. Lahat sila ay nakatitig sa akin na mukhang kinikilatis maigi ako. Yung ibang mukha ay bago sa paningin ko mukhang hindi sila nag lalabas sa kanilang classroom dahil hindi ako familiar sa mukha nila.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon. Gusto kung sabihin na andito ako dahil akala ko ay pinapatawag ako ni Ma'am Faith. Hindi ko alam na screening na pala ang gagawin! Hindi man lang nag sabi si Ateng secretary namin! Na ganito na pala kaagad! Hindi man lang ako naka pag handa!

On the spot pa talaga!

Wala na akong na gawa kung hindi panindigan ang presensya ko ngayon dito. Tinuwid ko ang katawan ko mula sa pag kakaupo na parang kuba bago ako ngumiti sakanilang lahat na para bang nangaakit.

"Good day everyone, especially to you Ma'am Faith! My name is Monah Dayana Evasco. If you don't know me I am one of the representatives of the student council, I am the muse of math club, and I am the president of HUMSS 11-A. I'm also a member of bookclub, historical society, and comea. I'm here because I'm running for the position of Student Council President. I have a lot of clubs and organizations, but I'm willing to put them down for this organization. I want to become your Student Council President because I want people to use me for their success. And I want to be the instrument of their success. Gusto kung maging tulay at boses ng lahat ng estudyante dito sa Greenhigh." Confidence na saad ko.

Halos ang boses ko lang ang na mayani sa buong office. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Buti hindi ako pumiyok sa kaba. Habang nag sasalita ako ay pinigilan ko talagang huminga sa hindi malamang dahilan.

Wala namang sinabi si Ma'am Faith na seryoso pa din ang mukha nya. Ganyan naman siguro kapag mag i-is-screening. Seryoso din ang mukha ng dalawang comea officer na andito. Yung president lang ng comea at yung secretary nang comea ang dito. Pero sabi nila balagbag daw manggisa ang dalawang 'to.  

Silang dalawa kasi ang nangunguna ngayon sa G12. Mag best friend sila. HUMSS at GAS.

Sana hindi magisa ng malala.

What's wrong with Monday?Where stories live. Discover now