Chapter 3

24 1 0
                                    

Rico's pov

Night dream

Ito na naman tayo. Nasaan ako? Saang lugar ito? Teka hindi na ito isang gubat, parang isang silid sya pero napakadilim.

"Rico" nanindig na naman ang balahibo ko. "S-sino ka? B-bakit alam mo pangalan ko?" Nanginginig na ako sa takot. Takot na namumutawi sa dibdib ko.

Sino ba sya? Bakit alam nya ang pangalan ko? Pero sya hindi ko sya kilala.

"Malalaman mo rin, sa ngayon ay hindi muna ako magpapakita sayo. Pero ito tandaan mo palagi akong nasa tabi mo at poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko hanggang sa kamatayan ko" naguguluhan ako. Bakit nya sinasabi iyon?

"Anong gusto mong iparating?" Tanong ko sa kanya. "Darating din ang araw na malalaman mo ang katotohanan, ngunit kapag nalaman mo ang kattohanan ay sana tanggapin mo kung sino ka o ano ka talaga. Sa ngayon ay tahimik palang sila pero malalapit na rin ang araw na sa pagbabalik mo ay sya namang pagbuhay ng Hari ng mga demonyo" nangilabot ako sa sinabi nya.

Teka mabubuhay? Akala ko ba.....

"Simula ng mamatay ang kanyang asawa at pagkawala ng kanyang anak ay sya ri'ng paghina ng kanyang kapangyarihan." Muling sambit nya pero anong kinalaman ko doon?

"Hwag na hwag mong tatanggalin ang kwintas na suot mo dahil yan ang proteksyon mo. Proteksyon para di ka mahanap ng kanilang lahi." Napahawak ako sa kwintas ko. Ito ang bigay sa akin ni Inay at ang sabi nya ay may nagbigay ito sa akin noong sanggol pa ako.

"Hindi na ako magtatagal pa, kaylangan ko na rin umalis. Ingatan mo palagi ang sarili mo at may tatlong tao pang magbabantay sayo. Hanggang sa muli mahal ko, sana sa pagkikita natin ay matanggap mo ang tadhanang inalay sayo"

Napabangon ako sa huling sinambit nya. Tadhanang inalay sa akin, ang paggising ng Hari ng mga demonyo at higit sa lahat ay ang tatlong tao na sinabi nya.

Tinignan ko ang labas ng kwarto ko. Madilim pa sa labas na panigurado ay madaling araw palang sa mga oras na yon.

May napansin akong anino. Agad na nangilabot ako sa takot ng biglang nawala ang anino na iyon.

Na'ng humarap ako sa may pinto ko ay ganon nalang ang gulat ko ng may isang tao..... h-hindi isang demonyo!!!

"Ahhhh!!!" Napapikit ako ng wala sa oras dahil sa pag sugod ng isang demonyo. Itim na mata, iyon ang nakita ko sa kanya.

"Ayos ka lang?" Napatingala ako ng may nagsalita. "S-sino kayo?" Tanong ko sa tatlo. Parang sila yo'ng kanina sa room.

"Kami ang magbabantay sa inyo, mahal na prinsipe" naguluhan ako sa sinabi nya. "P-prinsipe? Pero di ako isang prinsipe, ano bang mga sinasabi nyo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Sira ka talaga alam mo naman na hindi nya pa alam tapos ayan sasabihin mo?" Nagtaka naman ako sa mga sinabi nila at naguguluhan din.

Anong prinsepe? Sinong prinsepe ang sinasabi nila?

"T-teka bakit ba kayo nandito? Paano kayo nakapasok?" Takang tanong ko sa kanila pero ngumiti lang sila at kumindat ng ikinangiwi ko.

"Basta, hwag mo na alamin. Mag pahinga ka na dahil may pasok ka pa kinabukasan" tumango nalang ako sa sinabi nila bago nahiga at ipinikit ang mga mata ko para makatulog na.

Kinabukasan

Maaga akong nakapasok at pag pasok ko sa room ay yong mga taong nakita ko kagabi na magbabantay daw sa akin, eh nandito na?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Nightmare Vampire Prince *on-going*Where stories live. Discover now