chapter 2

14 1 0
                                    

Rico's pov

Pinapakinggan ko lang si sir. Para bang alamat ang sinasabi nya pero di naman eh at isa pa nag eexcit ba ang mga nilalang na yan? Di naman totoo yan eh. Maniniwala pa ako kung mga aswang, manananggal, o kapre pa yan.

Pero mga bampira? Serena? Mangkukulam? Asong Lobo? At higit sa lahat mga demonyo? Na sinasakop ng kadiliman.

Historical ba talaga yan??? Parang sa Google lang ginawa yan at ginawan ng kwento para mapani-paniwala ang mga tao.

"Sir, kung totoo sila. Bakit di sila nagpapakita sa atin?" Tanong ng kaklase ko. "Oo nga po sir" gatong naman ng isa ko pang kaklase.

"Ang mga serena, marami na rin nakakita ng mga ito---" pinutol ko iyon na syang ikinalingon naman nilang lahat sa akin.

"Kung may serena nga, dapat noon pa kami nakakita. Mga alamat o kwento lang naman ang mga serena kaya paanong mag eexit sa mundo natin ang mga yan. At isa pa, paanong naisumpa ng mga mangkukulam ang mga serena?" Seryosong tanong ko sa kanya. Inayos ni sir ang kanyang salamin bago magsalita.

"Dahil sa bawal na pahg-ibig" sagot nito. "Ang mga serena ay bawal umibig sa kahit sinong nilalang lalo na kung di ito ang itinakda sa kanya." Dagdag pa nito.

"May nagpatunay na ba tungkol dyan? At bakit bawal sila umibig sa ibang nilalang?" Tanong ko muli. Hindi ko alam kung bakit ako tanong ng tanong basta masagot lang ang mga kasagutan na naitatanong ko sa kanya.

"Meron na at yon ay ang prinsesa ng karagatan. No'ong unang panahon, bago magkaroon ng digmaan sa limang lahi ay may napaibig ang isang Hari ng mga demonyo. At yon ay ang prinsesa ng karagatan, ikinasal ang dalawa at nagkaanak din sila pero di na naisulat ang tungkol sa sanggol dahil pagkapanganak pa lamang nito ay doon na nagkaroon ng digmaan" nakikinig lang kami sa kanya. Tumikhim muna ito bago pinagpatuloy ang kwento. "Sa di inaasahan ang Hari ng mga demonyo ay pinatay ang kanyang asawa at ang anak naman nila ay syang mismong iaalay sa kanilang bathala para sa walang hanggang kapangyarihan. At iyan din ang dahilan kung bakit ang mga angkan ng mga bampira ay gustong makuha ang sanggol dahil sa ito naman ang itinakda para sa prinsepe." Napasinghap ako sa sinagot nya. Isang kawawang sanggol ay iaalay sa kanilang bathala? Sino ang t*ngang gagawa ng ganong bagay?

My Nightmare Vampire Prince *on-going*حيث تعيش القصص. اكتشف الآن