Prologue

25 2 0
                                    

"Hindi mo ba nabasa ang text ko?"

Abala ako sa paghahakot ng mga gamit sa likod ng sasakyan habang salita nang salita si Soren.

"Ano bang text 'yon?" Sagot ko. Hindi ko magawang ibigay sa kaniya ang atensyon ko dahil marami akong inaasikaso. Kanina pa siya maraming sinasabi.

"Bro, Vi-"

"Love!" My wife. I immediately turned my head in her direction. Buhat-buhat niya sa kaliwang bisig ang sanggol naming anak.

"Huy, bro.." Singit ni Soren. Sinenyasan ko siya na h'wag na munang magsalita.

"Mamaya ka na." Sabi ko sa kaniya at muling bumaling sa asawa ko. "Ano 'yon, love?"

"Nand'yan pa yata sa sasakyan 'yung gamit ni baby. Bring it over here, please." Her words were accompanied by a gentle smile.

"Copy, love." Nakangiting sagot ko sa kaniya at sinimulan nang hanapin ang bag kung saan nakalagay ang gamit ni baby.

"Sige, papunta na." Rinig kong sabi ni Soren habang may kausap sa telepono. Mukhang problemado ang isang 'to.

"Alis na 'ko, kaya mo na 'yan." Salita niya nang bumalik sa kinatatayuan niya kanina. "Ayaw mo naman makinig."

"Lock the gate when you leave." Tinapik ko ang balikat niya saka isinara ang pintuan sa likod ng sasakyan. "Bukas na lang tayo uminom. Alam ko namang 'yon ang sinasabi mo." Bahagya pa akong natawa at umiling. Kilalang-kilala kita, Soren.

"What the fuck?" Tumaas ang isang kilay niya sa pagkadismaya. Mali ba ang sinabi ko? "Hindi 'yon ang tinutukoy ko, bro."

"E, ano?"

Bago pa man siya nakasagot, tumawag ulit ang asawa ko.

"Bahala na nga kayo." Pikon na sabi ni Soren at naglakad na palayo. Napakaiksi talaga ng pasensya ng isang 'yon.

Pumasok na ako sa bahay at ibinigay kay Hannah ang baby bag.

"Love, kailan mo balak iparenovate 'tong bahay mo?" Tanong niya habang pinapatulog ang anak namin.

"Next week." Maikling sagot ko. Inilibot ko ang paningin ko sa bahay. The house is still beautiful and in good condition, but I need to have all of this changed.

All of the memories in this house need to be erased, for the sake of my wife and child, at least.

Pagkatapos kong maipasok sa bahay lahat ng gamit, lumabas na ulit ako para bumili ng iba pa naming kailangan.

"Ka ini, Lucas?" Salita ng pamilyar na boses ni Akes Teresita kaya agad akong tumingin sa gawi niya.

"Long time no see, akes!" Masiglang bati ko sa kaniya. Lumapit ako sa pwesto kung saan siya nakaupo at hinalikan ang kanang kamay niya bilang pagrespeto.

"Kailan ka pa umuwi rito?" She said with a smile.

"Kanina lang ho." Bahagyang nakatungong sagot ko dahil nakaupo siya. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

I was gone for three years, and yet everything still looks the same here in Batanes. Ang mga taong kasama kong nakatira dito ay nandito pa rin.

"Eh si Viela? Kasama mo?" She asked, and the glee on my face slowly subsided.

"Hindi ho." Pag-iling ko. For sure, she is still in Europe, happily reaching her dreams.

"Ah, akala ko umuwi na rin s'ya. Matagal nang hindi umuuwi rito ang batang 'yon." Bakas ang kalungkutan sa mukha ni Akes Teresita.

Hindi ko rin ho alam kung may balak pa ba siyang umuwi rito.

"Sige ho, mauna na ako." Paalam ko bago pa niya maisipan na magtanong muli.

Habang naglalakad ako patungo sa pinakamalapit na grocery store dito, naisipan kong tignan ang text na sinasabi ni Soren.

I halted in my tracks as soon as I read his message.

Soren:

pauwi na din daw si viela dito sa amicitia

bro

nandito na si viela

ito dapat yung sasabihin ko sayo

My legs immediately carried me back home. It is quite likely that she will drop by the house and find my wife and child there.

I am not yet ready to see her and talk to her, and I don't know when I will be ready.

I came to a halt when I saw the woman I had loved for seven years. It had been three years since the last time I laid eyes on her.

Gulat siyang nakatingin sa mag-ina ko.

"L-Love." Nauutal na bigkas ni Hannah kaya nalipat sa akin ang atensyon ni Viela.

I am certain she is wrestling with countless questions in her mind, completely confused by the circumstances.

I believe now is the time to tell her everything that she needs to know.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Waves of LifeWhere stories live. Discover now