Chapter 2

25 4 0
                                    

Ang pinakamasakit na sigurong naexperience ko sa pag-ibig ay ang nasaksihan kong ikasal ang taong mahal ko sa iba.

Ilang buwan na rin ang nakakaraan pero sariwa pa rin ang sakit. Ako ang pinangakuang papakasalan, pero sa iba tinupad. He told me that he never broke his promise dahil ako naman talaga ang babaeng papakasalan niya sana, wala lang siyang choice dahil kinailangan niyang piliin ang babaeng yon.

Dumating na'ko sa point na nasabi kong 'kung hindi siya, wag na lang, ayoko sa iba', pero gaya nga ng sabi nila, qadar is qadar and acceptance is the key. If you pray for him but Allah doesn't grant your dua, He prepared something much better for you.

Moving on takes time. Pero lagi pa rin akong nagdu-dua na sana, I'll find my home, ang magiging katuwang ko sa buhay. Siguro nahuhuli lang sagutin ni Allah ang dua kong yon dahil may mga may importante pa'kong dua, gaya ng parents ko, free Palestine, sarili ko, at iba pa. Naiintindihan ko naman, may tamang oras para sa lahat.

Gaya ng lagi kong ginagawa, I'm drinking coffee while staring at the sunset. It's my favorite hobby.

Napatingin ako sa cellphone ko nang magring ito. Umi's calling.

"Assalamualaikum, umi" sagot ko sa tawag.

"Waalaikumussalam, Ayn. Aba kailan ka uuwi dito? Namimiss na raw ng abi mo ang paborito niyang anak."

I laughed a little. "Malamang na ako ang paborito niya, wala naman akong kapatid. Si abi talaga"

Sandali kaming nagkwentuhan ni umi. I miss them. Ilang buwan na rin pala akong hindi nakakauwi sa'min dahil sa trabaho ko dito sa city. Napagdesisyonan ko ring magleave muna sa trabaho para umuwi.

Parang ang bilis ng araw, pauwi na'ko sa amin. Mga 3 hrs byahe lang naman kaya hindi na'ko natulog sa bus.

Pagdating ko sa bahay ay may ngiti agad sa mga labi ko. Sinalubong ako ni Umi at abi. I miss here.

"Assalamualaikum, umi, abi," salam ko.

"Waalaikumussalam. Ang maganda kong anak," it's abi. Napatawa kami ni umi.

Nagkwentuhan kami. We miss each other so much. Magsasalah na sana ako ng As'r prayer pero nakita kong may dugo sa ano ko. May bisita pala ako ngayon, kaya nagpahinga na muna ako.

Kamusta na kaya si Yusof? I can't deny na masakit pa rin pero alhamdulillah, nakakausad na'ko. I'm healing. Tanggap ko na.

"Anak, nasa tamang edad ka naman na. Napagkasunduan namin ng Umi mong ipakasal ka na sa anak ng Tito Husain mo," ani abi habang kumakain kami.

Napatigil ako sa pag-nguya. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Arrange marriage.

I fake my smile. "Sige po, kung 'yon ang makakabuti. Alam ko naman pong hindi niyo ako basta-bastang ipapakasal sa kung sino lang,"

Hindi ko alam kung bakit ako pamayag. Masama mang isipin pero naisip kong baka sa ganitong paraan ay makalimutan ko ng tuluyan si Yusof.

Hindi ko kilala kung sinong magiging asawa ko. Ang bilis ng panahon, it's our wedding today.

Nasa isang silid ako para hintayin ang asawa ko. Papunta na raw kase ito dito ngayon. Ilang minuto ang nakalipas ay biglang bumukas ang pinto. Napayuko ako.

"Assalamualaikum"

"W-Waalaikumussalam," I respond. I'm nervous. Parang gusto kong tumakbo at tumakas.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. I saw a handsome man with beard. He's smiling.

Nag-iwas ako ng tingin. "I'm Jedan Esmail," pakilala niya.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam pero ayoko sa lalaking 'to. Patawarin nawa ako ng Allah for thinking bad to 'my husband'.

"Ayni, you're Ayni. My wife..." anito. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Anong Ayni? It's Ayn, not Ayni. Pero hindi nalang ako nagsalita.

Parang ang bilis talaga ng panahon. Isang buwan na kaming kasal ni Jedan. Sa loob ng Isang buwan na yon ay bilang lang sa daliri ko kung ilang beses kaming nag-usap ng mahigit limang minuto. Hindi ko alam pero hindi ko siya mapakisamahan ng maayos. He's treating me so well, ako lang talaga ang problema.

"I know you're still into him," he said out of sudden. Napalingon ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" i asked acting clueless.

"Si Yusof," siya naman ngayon ang nag-iwas ng tingin. "I know you're still into him. Alam ko rin ang kwento niyong dalawa." anito.

I remained silent.

"He's my cousin," anito na ikinabigla ko. Kaya pala Esmail, it's Yusof's middle name, ngayon ko lang napagtanto. "But Ayn, I'm your husband, in fact he's already married. Kailan mo ba hahayaang magmahal ulit yang puso mo? Nandito naman ako pero bakit siya pa rin? I'm trying my best, hindi pa rin ba sapat?" I saw blood shot in his eyes.

"Alam kong kaya ka lang naman pumayag sa kasal na 'to ay para makalimot ka. Ok fine, use me to forget him. Learn to love me please." his eyes are begging. I can't look at him.

Bakit parang tila nasasaktan ako kase alam kong nasasaktan ko siya? Am I being heartless? Should I break the wall between us to let him love me and learn how to love him?

The Love That She FoundWhere stories live. Discover now