Prologue

409 17 0
                                    

𝙏𝙝𝙞𝙧𝙙 𝙥𝙚𝙧𝙨𝙤𝙣 𝙋𝙊𝙑....

Nag lalakad ang isang lalaki ngayon pauwi sa bahay nila, bakas sa muka nya ang pagod dahil sa dami ng ginawa at tinapos nyang papeles sa trabaho.

Malaki ang eyebag at gulo gulo ang buhok, halata din na hindi pa sya nakakain at parang addict ang itsura dahil namumula ang kanyang mata.

Pag kauwi nya ay agad nyang binuksan ang pinto, papunta nasana sya sa kwarto nya ng makita nya ang kapatid nyang natutulog sa sofa.

Lumapit sya dito at ginising nya ito

"𝙂𝙞𝙣𝙤, 𝙡𝙪𝙢𝙞𝙥𝙖𝙩 𝙠𝙖 𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙜𝙖𝙖𝙣 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙢𝙤𝙠 𝙙𝙞𝙩𝙤," pag gising nya sa nakababatang kapatid.

"𝙝𝙢𝙢, 𝙠𝙪𝙮𝙖 𝙅𝙚𝙙𝙚𝙙𝙞𝙖𝙝 𝙗𝙪𝙩𝙞 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙪𝙬𝙞 𝙠𝙖𝙣𝙖! 𝙉𝙖𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙣 𝙠𝙖𝙣𝙖𝙗𝙖?" tanong ng kanyang kapatid.

Pagod na ngumiti ang nag ngangalang Jedediah at umiling.

"𝙈𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖 𝙣𝙖𝙠𝙤 𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙣 𝙜𝙞𝙣𝙤, 𝙢𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙡𝙤𝙜 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙠𝙤, 𝙠𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙜."

Aalis nasana si Jedediah ng hawakan ng kapatid nya ang kamay nya.

"𝙆𝙪𝙮𝙖, 𝙢𝙖𝙝𝙞𝙡𝙞𝙜 𝙠𝙖 𝙨𝙖 𝙣𝙤𝙫𝙚𝙡 𝙙𝙞𝙗𝙖? 𝙀𝙩𝙤 𝙗𝙖𝙨𝙖𝙝𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙗𝙞𝙣𝙞𝙡𝙞 𝙠𝙤 𝙮𝙖𝙣. 𝙎𝙞𝙠𝙖𝙩 𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣!"

Inabot ng batang nag ngangalang gino ang libro. Ngumiti lang ang nag ngangalang Jedediah at kinuha ito.

Umakyat na sya papuntang kwarto nya at humiga diretsyo. Napatulala pa sya sa kawalan, inaantok sya ngunit umatake ngayon ang insomnia na sakit nya.

Bumuntong hininga muna sya bago kinuha ang libro, sinimulan nya ng buksan ito.

Ang pangalan ng binata ay Jedediah may kapatid sya na isa na nag ngangalang Gino, malapit ng mag tapos sa pag aaral ang kanyang kapatid kaya pinag sisikapan nya talaga mag trabaho. Ulila na sila dahil nabangga ang kanilang magulang ng isang truck habang pauwi ang mga ito.

Senior High lang ang natapos ni Jedediah kaya call center lang ang trabaho nya. Nag over work sya upang makaipon ng malaki. 4 na araw sya walang tulog at halos hindi na sya kumakain. Tanging tubig lang ang iniinom nya at ginagawang pagkain.

Napakunot ang noo nya ng mabasa ng buo ang storya sa libro. Halata sa muka nya ang pandidiri at dipagkagusto.

"𝙏𝙝𝙞𝙨 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙞𝙨 𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙡𝙮 𝙨𝙝𝙞̂𝙩," commento nya at hinagis ito sa gilid.

Tinignan nya ang orasan at halos lumabas ang mata nya ng makitang 4 na nang umaga. 12 sya umuwi at 12:30 nya binasa ang libro.

Napatawa sya at inisip na sinayang nya lang ang oras imbis na ipahinga. Nakatulala lang sya sa taas at inisip na 6 nang umaga ang pasok nya. Kaunti lang ang oras ng pahinga nya.

Unti unti nyang pinikit ang mata at kasabay noon ang pag ilaw ng librong binabasa nya.

Nagising si Jedediah sa tunog ng isang machine. Minulat nya ang mata nya at nag taka sa nakita.

Nakita kasi nya na nasa ospital sya at ang daming aparato na nakakabit sakanya. Tinignan nya ang kamay nya at nakitang sobrang puti nito. Nag taka sya dahil moreno ang kulay ng balat nya.

Biglang may pumasok sa loob kung nasaan sya. Nag katinginan pa sila ng matagal bago nag mamadaling umalis ang babae.

Umupo sya at nakiramdam sa paligid. Nakakabinging tunog lang ng machine ang maririnig sa loob. Tatayo na sana sya ng may biglang nag bukas ng pinto, pag tingin nya doon ay halos lumuwa ang mata nya.

Ang gaganda at ang gwapo kasi ng pumasok. Nilapitan sya ng mga ito. Nagulat sya ng niyakap sya ng babae.

"𝘼𝙣𝙖𝙠 𝙠𝙤!" Humahagulgol na saad nito.

Naguluhan naman sya dahil wala na syang magulang at hindi nya kilala ang mga ito.

"𝙆𝙪𝙮𝙖 𝙗𝙪𝙩𝙞 𝙜𝙞𝙨𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙖," saad ng isa pang babae.

"𝙈𝙖𝙨𝙖𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙞 𝙣𝙖 𝙤𝙠𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙣𝙖, 𝙀𝙯𝙚𝙠𝙞𝙖𝙝." Nakangiting saad ng lalaki.

Napalunok sya dahil pamilyar ang pangalan na binanggit.

"𝙋-𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙝𝙞𝙣𝙜𝙞 𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙞𝙣?"

Una ay nag tataka sila pero kalaunan ay binigyan din nila ang binata. Agad nyang kinuha ito at tinignan ang sarili.

Nakagat ni Jedediah ang labi ng makita ang itsura nya. Blonde na buhok, green na mga mata at sobrang puting balat, pink na labi na puso ang hugis.

Totoo nga ang nasa isip nya.

'mukang napunta ako sa novel na binasa ko kagabi, akala ko sa fiction lang at mga kwento ito ng yayari pero totoo pala ang reincarnation'.

'Mukang na reincarnated ako sa storyang "THAT GIRL IS SPECIAL" at ang malala ay isa pa akong capture target, na nag ngangalang 𝙀𝙕𝙀𝙆𝙄𝘼𝙃 𝘾𝘼𝙎𝙋𝙄𝘼𝙉 𝘾𝘼𝙎𝙏𝙍𝙊𝙑𝙄𝙇𝙇𝙀 ang pangalawang obsessed sa bidang babae'.

Mukang pinaparusahan ako ng tadhana...

Ayan ang laman ng isip nya at pag kalito sa nangyayari.











𝘛𝘰 𝘣𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘪𝘯𝘶𝘦𝘥.....

Captured Their Hearts (Reincarnation #3) Where stories live. Discover now