I mean, I get it, galit silang lahat sa akin for some reason... and they wanted to sabotage my career. Okay, fine. I can handle that. I can justify that inside my head. But to do this? Ang ipaayos sa akin 'to despite knowing na wala naman akong masyadong experience dito? Ang gago lang kasi may madadamay na ibang tao kapag nagkamali ako.

So, I stood there and tried to absorb as many information as quickly as I humanly could. Para akong bumalik sa law school nung magsspeed reading ako sa mga cases para sa recitation namin. It was exciting and frightening at the same time.

"Okay," I told myself when I saw na oras na para pumasok ako sa loob ng court. I drew another deep breath. "Nothing will happen. You'll just ask for a re-sched. It's fine. Walang ibang itatanong sa 'yo. Nagbasa ka lang just in case," patuloy na sabi ko sa sarili ko.

Mukha na siguro akong nagha-hyperventilate sa paningin ng ibang tao dahil panay ang paghugot ko ng malalim na hininga. Kinakabahan lang kasi talaga ako. Sa school lang ako sanay na yolo at last minute preparation. Ang uncomfortable sa feeling kapag sa kaso kasi real life and real lives na ang naka-salalay sa akin.

When I got inside the court, rinig na rinig ko iyong kabog ng dibdib ko. Nakita ko sa kabilang side iyong opposing counsel. Mga kasing age siguro siya ng tito ko. Sigurado ako na sanay na siya sa ganito. Sana 'wag na siyang umangal sa motion ko.

"Good morning," bati ng Judge sa amin.

"Good morning, Judge," bati ng mga tao sa loob ng court niya.

Nagsimula ng basahin kung ano iyong nasa docket. I held my own hand to stop them from shaking. Hihingi lang naman ako ng re-sched. I needed to freaking calm down.

"Atty. Italia Reign Hernaez," pagpapakilala ko tapos ay binanggit ko iyong IBP number ko at iba pang kailangang details. "Appearing as co-counsel for Atty. Reynand Sarmiento as well as for motion for postponement of hearing."

Ramdam na ramdam ko iyong bahagyang panginginig ng kamay ko habang hinihintay ko iyong susunod na sasabihin ni Judge.

"Grounds?"

"Atty. Sarmiento, the primary counsel for this case, is unavailable this morning, Your Honor."

"And so?" sabi niya habang diretsong naka-tingin lang sa akin. "You studied the rules of court, right, Atty. Hernaez?"

"Yes, Your Honor."

"Is that a valid ground for me to grant your motion?"

I bit my tongue as I drew another deep breath. "Your Honor—"

"Atty. Santos came here today to try this case," sabi niya sabay tingin sa opposing counsel. "He prepared for this case as should you, Atty. Hernaez," dugtong niya. "Your witness is present with you today, am I correct?"

Sasagot sana ako na hindi nang biglang may nagsalita sa likuran ko at sinabi niya na siya iyong witness ko. What the fuck? Sino 'yon? Witness ko? Ha?

"The counsels and witness for both sides are present," sabi ni Judge. "Motion for postponement is denied."

Shit.

* * *

Ganito siguro ang pakiramdam ng isda kapag pini-prito sila. Ilang beses akong napagalitan ni Judge dahil hindi ko kabisado iyong case ko at saka medyo mali iyong mga grounds ko for objection. I was so fucking flustered. Nakakahiya!

"Atty. Hernaez," pagtawag sa akin ni Judge nung matapos na iyong cross-examination.

Tahimik akong lumapit sa kanya. Papagalitan niya ba ulit ako? Round 2 ba 'to? Hindi ba pwedeng sa ibang araw na kasi pakiramdam ko quota na ako sa araw na 'to—o sa linggo na 'to.

Game OverWhere stories live. Discover now