CHAPTER 4

6 0 0
                                    

CHAPTER 4

Kasulukuyang kumakain kami ni Fresto ng makarinig kami ng katok sa pinto.

Sino kaya ang nawalang kumatok?

Sinenyasan ko si Fresto na ako nalang ang magbubukas ng pinto at ipagpatuloy nalang niya ang pagkain. Akmang tatayo na kase sana siya ng marinig niya ang pagkatok.

“Aling Maxima, ikaw po pala,” ani ko. Nandito na siguro siya para maningil. “Pasok po muna kayo at kunin ko lang po ang pambayad ko,” dagdag ko.

Tumango naman siya at tuluyanng pumasok sa apartment namin.
“Asan si Fresto?” may pagkasabik niyang tanong.

Paborito ni Aling Maxima si Fresto. Napakalambing daw kase nito sa ginang at makikita mo naman talaga ang saya sa mga mata nito sa tuwing nakikipagkuwentuhan siya sa anak ko.

Biyuda na si Aling Maxima, matagal na raw na namatay ang kaniyang asawa. Hindi ko na ito tinanong pa noon dahil baka masasaktan lamang siya. Kay Fiona ko lang nalaman na namatay daw pala ito dahil sa sakit sa puso. Sa kasamaang palad, wala man lang raw silang anak. Tanging itong apartment nalang ang natira ng asawa niya. Naawa ako sa ginang noon. Kaya kapag naglalaro sila ng anak ko ay para na silang maglola. Itinuring na kase niya kaming kapamilya.

“Maupo muna kayo Aling Maxima. Kumakain po si Fresto sa kusina. Kukunin ko lang yung pambayad ko. Siyangapala, ano pong gusto niyong inumin? Tubig, kape, juice, or ano po?” ani ko.

“Di na kailangan, Flexie anak. At ‘saka ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na kahit inay o nanay nalang ang tawag mo sa’ken. Ginagawa mo naman akong parang matanda na talaga eh,” saad niya na ikinatuwa ko.

“Sige… nay,” nahihiya kong tugon.

“Ayan, haysst… ang sarap sa pakiramdam matawag ng ganon,” aniya at tumawa pa. Naiintindihan ko naman siya.

Nagpaalam muna ako sa kaniya at kinuha ang pambayad namin sa renta, tubig, at kuryente. Nang makarating ako sa sala ay nakita kong kausap na ni Fresto si Aling Maxima o Nay. Tapos na palang kumain ang baby boy ko.

“Salamat sa tubig, Fresto, ang sweet mo talagang bata ka,” ani Nanay Maxima. Pinisil pa nito ang pisngi ni Fresto.

“Mana po kase ako kay mama, lola,” pagmamalaki ng anak ko. Lola na rin ang tawag ng bata sa ginang.

Napangiti ako dahil sa sagot niya. Sa tuwing pinupuri siya ng kung sino ay palagi niyang sinasabi na “Mana daw siya sa’ken.” Natatawa nalang din ako minsan.

“Ah…nay, ito na po yung bayad namin sa buwan na ito,” iniabot ko sa kaniya ang P2,500.00. Bale P5,000.00 ang kada buwan naming bayad kasama na ang tubig at kuryente pero dahil nag-aadjust ako at may mga gastusin rin ako, ipinakiusap ko kay Nanay Maxima na dalawang beses nalang akong magbabayad kada buwan. Walang atubiling sumang-ayon naman ito.

Pagkatapos niyang makuha ang bayad ay nakipagkuwentuhan pa muna ito kay Fresto. Ngunit ng mapagtanto niyang magtatanghali na ay umalis na siya dahil may lakad daw pala siya.

“Ang galing talaga ni Fresto!” puring saad ni Fiona. Ipinakita ko kase sa kaniya ang guhit ng anak ko sa cellphone. Kinuhanan ko ito ng litrato kagabi habang tulog si Fresto.

“Oo nga eh, sabi nga niya, gusto daw niyang maging engineer paglaki niya,” ani ko. Sinabi ko kay Fiona ang mga sinabi sa akin ni Fresto kagabi maliban sa tungkol sa ama nito.

“Edi mabuti!” ani Fiona. “Para may papagawaan ako ng bahay kapag nag-asawa na ako,” biro niyang saad.

“Baliw,” tinapik ko ang braso niya dahil sa sinabi niya.

Amidst the tragedyWhere stories live. Discover now