CHAPTER FOUR - FRIENDS

2 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

FRIENDS

Serenity's Point of View 

Hindi ko nga alam kung anong nangyayari dito sa dalawa pero sumama talaga sila sa akin papuntang 7/11. Pagkarating ko sa room kanina. Nagtatawanan silang dalawa at hindi ko alam kung bakit. Baka kinausap ni Zaile si Howl patungkol sa away naming dalawa. Muntanga din siguro kausap si Howl kaya nagtawanan sila. 

Hindi ko na lang tinanong dahil baka mainis na naman ako kay Howl kapag ganun. Ang lakas niya kasi kanina mang asar. 

"Seren" napatingin ako kay Howl dahil sa pagtawag sa akin. "Bakit?" mahinahon kong tanong. OO MAHINAHON. "Sama ka samin ni Zaile mamaya sa BGC?" aya niya. 

"Anong gagawin doon?" tanong ko sa kanya. "Magpaparty lang" sabi naman ni Zaile. 

Ang lakas nila mag aya palibhasa madaming pera. "Hindi ako pwede, mag aaral pa kasi ako." sagot ko sa kanilang dalawa. "Mag aaral? Malayo pa yung exam ah?" nagtatakang sabi ni Howl sa akin. "Kailangan ko mag aral ng mabuti-"

"Seren kahit one time lang. It's for the both of us to get along" sabi ni Howl na animo'y nagpapacute sa akin. 

Tiningnan ko ang phone ko at nag open ng schedule. 

'7PM - Vacant time'

'9PM -  Studying'

'2AM - Sleep' 

"Free naman yung 7pm mo until 9 pm so makakahabol ka pa naman." sabi ni Howl na nakatingin pala sa screen ng cellphone ko. Tinago ko yung phone ko at nagpameywang. "Ano ba oras aalis?" tanong ko naman. 

"6pm para makabalik tayo agad." si Zaile naman na nilalagyan ng sauce yung binili niyang hotdog. "Baka hindi na ako makafocus niyan kapag nakauwi na ha" 

Nasapo ni Howl yung noo niya. "Edi matulog pagkauwi mo. Dati naman nung first year tayo sumasama ka pa sa amin tapos nakapag aral ka pa after ng party party. Bakit parang nagiging iba kana?" tanong niya pa sa akin. 

Hindi ko siya masagot dahil sa ayokong mag away kami sa harap ni Zaile. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na dahil sa kanya nag aaral ako ng mabuti para malamangan ko siya para hindi ako maikumpara sa kanya. Ayokong makumpara sa kanya. Kasi nakakabagot yun at nakakainis. 

"Uy tinatanong kita" sabi ni Howl. Naupo kami sa isang bench sa loob ng 711 at tinabihan ako ni Howl. "Sagutin mo na" natatawang pagpupumilit niya sa akin. "Wala lang para ready ako sa exam." sagot ko sa kanya. 

"Matagal pa yun..." sabay nilang sabi. "So, susunduin ka namin mamaya?" tanong ni Howl sa akin na para bang ibinabalewala yung sinabi ko. Kumain na lang ako ng sandwich at hinayaan silang dalawa na mag usap. Hindi ko nga alam kung papayagan ako nung kuya ko dahil sa ginawa ko eh diba kaya wala ako maisagot. 

"Ano nga pala yung nangyari sa inyo kanina?" tanong ni Zaile sa akin. Wala si Howl dito, pinabili kasi namin ng milktea sa kabilang eskinita. "Sinabihan ko na siya tungkol sa nangyari sa gym at sa away ninyo kaya pakiusap ko lang wala ng away ha? Kasi hindi na yun nakakatuwa eh." seryosong sabi niya sa akin. 

Parang napaatras naman ang ulo ko dahil sa sinabi niya. "Siya dapat sabihan mo kasi ako natututo ako" 

Mabuti naman at nasabihan mo. Napakahayst 

"Pangako niyo sakin yan ha? Wag kayong loloko loko sa harapan ko." paalala niya. Hindi ko siya pinansin, kinuha ko yung laptop ko at binuksan yun. Aasikasuhin ko muna yung mga files sa iba kong subjects.    

Baka kasi kapag sumama ako sa kanila, hindi 9pm uwi ko kundi 2am. Alam ko na kasi yung mga ganitong pag aaya. Sa tulog natatapos.

"Ang tagal naman ni Howl" reklamo ni Zaile sabay hilamos ng mukha. "Atat sa milktea?" Asar ko habang nakatutok ang mata sa laptop ko.

Valentine's QuarrelWhere stories live. Discover now