CHAPTER THREE - TRIO

2 0 0
                                    

CHAPTER THREE

TRIO

Howl's Point of View

Hello~~ I'm Howler Saffron Transiguracion, 20 years old. Main vocalist ng bandang "Crocus". President ng College of Engineering, at kung naririnig lang ito ni Seren. Panigurado wasak na naman ang bungo ko. Hindi ko talaga maintindihan yung utak ng babae na yun, lakas mang away parang tanga. Inaasar ko lang naman siya dahil sa natatawa ako sa pagmumukha niya. 

That head bang shakes my cerebellum. Medyo umikot nga yung mundo ko pagkatapos nun tapos sinapak naman ako ni Zaile. Double kill! 

Nasa loob kami ng room ngayun, ako nakaupo sa may table at kaharap ang laptop ko. Inaayos ko yung proposal namin sa nstp. 

OPERATION: MAGLINIS NG KOMUNIDAD! Sino na naman ang lintek na nag isip nito? Syempre ako, papalitan ko din naman kagaad kapag hindi ko bet no. Napatingin ako kina Serenity at Zaile na may inaayos na papers. Yan yata yung ipapasa sa SA - Student Affairs para mabigyan ng pondo yung program nilang dalawa na hindi ko sinang ayunan nung nakaraang meeting dahil hindi ko alam kung anong connect sa pagiging bundak. 

I'm just tired thinking about it that's why I just agree to their plan for that. Nakakatamad din kasi kontrahin yung iniisip nung isa dahil baka alog na naman ang cerebellum ko kapag nangyari yun. 

Napatingala ako sa paa na nasa harapan ko at nakita ko si Xzayvion. Kasama ko sa banda, drummer. "Why?" tanong ko sa kanya. "Pinapatanong ni Serenity kung magpeperform ba tayo sa program nila??" nagsalubong naman ang kilay ko dahil ang lapit lapit ni Serenity sa pwesto ko. 

"Bakit hindi ka na lang kasi lumapit dito at ikaw magtanong?!" sigaw ko sa direksyon nina Seren kaya sila napatingin sa akin. Tiningnan niya ako sabay irap pero lumapit din naman siya kaagad sa akin. 

"Hindi kami magpeperform." Sagot ko sa tanong niya na inutos niya kay Xzay. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Bakit?" nakasimangot na tanong niya. 

"Bakit naman kami magpeperform sa program niyo? Aber? Wala namang bayad yan" biro ko at nakita ko talaga kung pano nanlaki ang mga mata niya hahahaha lintek na yannn

"Bakit kapag school ang nag utos sa inyo na magperform okay kaagad kayo? pero bakit kapag sa amin wala lang? Tapos kailangan talaga may bayad?" naiinis na tanong niya pa sa akin. 

Nginitian ko siya. "Simple lang naman yung sagot ko sa mga tanong mo eh." Nagsalubong yung kilay niya. "I didn't approve your proposal because your program sucks okay? Sinong shunga ang sasali sa isang children's awakening ha?" pang aasar ko sa kanya. Nabasa ko yung program nila, it's about teenage pregnancy at sexual awareness. Iniinis ko lang itong si Seren dahil mukhang sasabog na naman sa galit. 

"It's the name of our program, but it doesn't mean na puro laro at kung ganyan ang iniisip mo then dont wag kayong mag perform" mataray na sabi niya sa akin. Aalis na sana siya sa harapan ko kung hindi ko lang siya hinila papalapit sa akin. "Okay fine Vice Pres, magpeperform kami. Wag kana galit please" tinulak niya ako bahagya at natawa na lang ako dahil sa reaksyon niya. Bumalik siya sa pwesto niya kanina at masama ang tingin sa akin habang pinapakalma siya ni Zaile. 

Halata naman kasi na namumula ang pisngi niya sa pinag gagawa ko. Okay na yun para lagi niya akong napapansin. 

Yung mukha nga niya kanina habang kausap namin ang kuya niya, parang gusto na niya akong sapakin. Alam mo yun? Hahaha pero shettt yung awra ng kuya niya grabe. Unang beses kong nakita yung kuya nun sa labas ng school. Idol ko kasi yun dahil sa isa din siyang model, hindi naman sa nababakla ako or what pero gwapo yung kuya niya at halata ang pagiging masculine nito. Yung awra niya kung minsan ay parang isang nonchalant kung tawagin pero mas lalo akong kinakabahan dahil sa grades ko kapag tumungtung na ako ng third year. 

Valentine's QuarrelWhere stories live. Discover now