Chapter 2

0 0 0
                                    

Wala pang alas otso ay nakarating na si Cheska sa eskwelahan. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa classroom niya para matapos na niya ang naudlot niyang ginagawa nang distorbohin siya nang magaling niyang kaibigan.

Magaling talaga, napakagaling. Parang lahat na lang ng bina-blind date nito sa kaniya ay hindi okay. Kung hindi mabaho ang hininga, mabaho naman ang kilikili. Kung hindi naman bakla, hambog naman. Ewan ba, parang wala talaga siyang nai-date na matino. Parang lahat na lang na naka-date niya ay may naipipintas siya.

O baka naman, siya talaga itong maarte at may problema. Minsan naiisip din naman niya iyon, na baka siya itong may mali.

Pero hindi talaga, eh. Sila ang may mali, bulong niya sa sarili at binuksan ang bag niya para kunin ang susi.

"Nasa'n na 'yon?" tanong niya nang hindi niya makita ang susi sa bag niya. Napatitig na lang siya sa pinto ng classroom niya.

Kung minamalas ka nga naman talaga, bulong niya sa sarili at napakamot na lang sa ulo. Ang dami pa namang kandado sa room niya na naging shop room na sa daming sewing machine sa loob. "Paano na kami papasok nito?"

Umatras na lang siya at pumunta sa kabilang pinto, nagbabakasaling hindi niya iyon na-lock no'ng Firday. Pero impossible naman.

Kahit na impossible ay nagbakasali pa rin siya. Na ang ending ay naka-lock naman talaga.

Pumunta na lang siya sa guardhouse at nagtanong kung may duplicate key ba ang guard nila sa classroom niya.

"Eh, Ma'am Cheska, ikaw lang naman po ang may susi ng classroom niyo. Wala po akong hawak na duplicate no'n," sagot ng guard sa kaniya.

Bumuntonghininga na lang siya at napakamot sa leeg. "Manong, kapag nakuha ko na ang susi mamaya, i-remind mo ko ha? Bibigyan kita ng duplicate no'n. Para in-case na maiwan ko man ulit, may hawak kayong susi."

Tumango ang guard ng eskwelahan nila. Pero anong gagawin niya ngayon? Kung pati ang wallet niya ay naiwan niya rin pala sa bahay?

Muli na lang siyang naglakad papunta sa faculty room para mag-log in muna. Nasayang pa tuloy ang ilang minuto niya, sana nag-log in na lang siya kanina.

Hindi pa nga siya nakaka-move on sa nangyari no'ng Friday, nadagdagan pa ang inis niya ngayon. Bakit ba naman niya kasi nakalimutan ang mga importanting bagay? Muli na lang siyang bumuntonghininga at nagpasiyang pagkatapos niyang mag-log in ay uuwi siya ng bahay niya.

Wow, parang ang lapit-lapit lang ng bahay mo, 'no? Parang ang lapit-lapit lang talaga, pang-iinis ng utak niya. Ano pa nga bang magagawa niya? Kaysa naman hindi makapasok ang mga estudyante niya mamaya.

Hindi pa siya tuluyang nakapasok sa faculty room nang lapitan siya ni Cecil. Agad itong yumakap sa kaniya na parang may ginawang masama.

Kahit totoo naman talagang may ginawa itong masama. Pero hindi naman nito kasalanan iyon, sanay na nga siya sa totoo lang.

"Nako, Cheska." Bigla na naman itong yumakap sa kaniya. "Pasensiya ka na talaga. Hindi ko naman alam na gano'n pala ang ugali ng pinsan ni Warren. Ang sabi lang kasi ni Warren sa 'kin ay may sinasabi na 'yon sa buhay—"

"May sinasabi nga, truelala naman 'yan," singit ni Hazzel. "Sa sobrang may sinasabi na sa buhay, binabagyo na."

"Sobra ka naman, Hazzel—"

"Anong sobra? Legit 'yon. Legit na binabagyo na siya." Kinuha pa ni Hazzel ang ballpen na hawak ng isa nilang kasamang guro at nagsulat na ito sa logbook. "Ang hangin niya, ah! Kung makapagsalita, akala mo kung sinong matalino at sinong may narating na sa buhay. Ni hindi pa nga nakapag-board exam 'yon, diba? Pero kung makapagsalita parang sure na sure ng mapapasa niya ang board."

Hunter Next DoorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt