"Bakit ka po nandito?" mahinahong tanong ko sakanya. Taena , bubuga na siya ng apoy!!!!!

"Why did you block me!? Ilang beses na akong tumawag sayo sa number mo pero di kita matawagan. Fuck it raven , are you out of your mind huh?" sunod sunod na bala ang pinaputok niya.

Nakailag naman ako pero yung tenga ko tamang tama. Kulang nalang bombahan niya.

"Eh ikaw po , why did you leave? Sabi ko babalik ulit ako sa office mo pero pagbalik ko wala ka na doon. Naghintay ako ng isang oras pero di ka bumalik , di ka man lang nagchat kung saan ja pupunta. Girlfriend mo kaya ako , siguro may karapatan naman akong malaman diba?"sunod sunod din na sabi ko sakanya.

"Then im sorry -"

"Tapos galit na galit ka kasi blinock kita? Alam mo bang para akong tanga sa office mo na naghihintay? Tapos ikaw pa yung ganiyan umasta ngayon? Siguro naman kahit konting oras lang naka pagchat ka na umalis ka at may pinuntahan."I added to her.

Nawala ang galit sa mukha niya at mukhang guilty naman siya. She tried to touch my hand pero lumayo ako sakaniya.

"Baby im sorry.." she said sweetly.

Sumimangot lang ako sa harapanan niya at humalukipkip. Hindi ko hinayaang mahawakan niya ako.

She bite her lower lips at nakatingin lang saakin.

"Come on raven ,I said im sorry."paulit niya.

Lumapit siya saakin at niyakap, she caressed my head at hinalikan ako sa noo. Napangiti tuloy ako.

Aba raven , magpakipot ka naman kahit konti. Wag ka naman bibigay agad sa mga kiss effect niya.

Tarando , kinikilig kasi ako. Nagwala na naman mga uod Este butterfly sa tiyan ko.

Bakit nga ba may butterfly sa tiyan ko eh atay at mga lamang loob yung nandito sa loob ko?

"Magpaalam ka kasi saakin , iisipin ko tuloy na hindi ka seryoso saakin. Kasi konting message lang hindi mo kayang gawin." mahinang saad ko.

"Hindi ko na uulitin." she whispered and she hid her face to my neck.

"Promise?" tanong ko sakanya.

"Yes." ngumiti nalang ako at niyakap siya pabalik.

"Kapag inulit mo , di tayo bati."

"Unblock mo na ako." nagmamakaawang sabi niya.

"Sige uwi ka na po , unblock na kita mamaya." humiwalay siya ng yakap saakin at tinignan ng masama.

"Ayaw mo kong nandito?" lahh. "You don't love me anymore?" ha??

"Sinasabi mo miss?" tanong ko sakanya.

"Pinapaalis mo na ako eh, and you're calling me miss even though dadalawa lang tayo." Bipolar ampota .

"Lah miss-"

"Isa pa!"she shouted.

"Baby..." i said. She raised her eyebrows at humalukipkip. "I love you po." bulong ko sakanya.

My Everyday Life With You (On Going)Where stories live. Discover now