Pahina 2

1.9K 62 20
                                    

Raven Angel pov.

"Nakakahiya yon kanina ,kausap ko pala yung bina-back stab ko kuya. Akalain mo yon , sa bata niyang yon propesora na siya?!" 

"Pinaka terror yon sa lahat ,lagot ka!!!"pananakot pa niya saakin.

"Pero kuya, cute ni ate ma'am. Crush ko." Pabulong ko sakanya.

"Hoy ikaw ,ang bata pa bata mo pa angel!"inirapan ko siya dahil sa tinawag niya saakin.

"Angel pala ahh, ano Angelo Palestine?!"

"Hoy nakakahiya haha." Halos magbatuhan na naman kami ng tissue sa canteen. Aba siya nauna.

Papaturukan ko to ng syringe kay papa ,kala niya ah.

"May pasok na ako Raven, ikaw din pumasok ka na mamaya. At sana wag kang pasaway!"

"Oo , akala mo naman naging mabuti ka sa pagaaral mo eh mas pasaway ka pa sakin." Pangaasar ko.

"Madaming lalaki diyan , mga cheater lahat. Baka gusto mo?"

"Omg oo nga ,tignan mo ohh kuya cheater!"turo ko sakanya.

"Saan?"

"Grabe, hindi mo kita sarili mo? Sayang mamen , anlaki mong tao!"

"Hindi ka lang kapatid eh." Nauna na siyang umalis at ako naman ay pabalik na rin sa block ko.

"Lord bigyan mo naman ako ng magandang oras dito sa school ,puro delubyo eh!" Hiling ko pa kay lord.

Habang naglalakad ako ay di ko inaasahan ang makakasalubong ko.

At dahil mabait saakin si lord ay...

"Lord sabi ko maganda ,hindi magandang anaconda. Paano naman ito naging maganda lord,for sure tatarayan ako niyan." Bulong ko sa sarili ko.

Si Miss Stella Hilary ba naman ang nasa harapan ko ngayon. Nakataas ang kilay at panay ang irap saakin.

"Bipolar si miss.." bulong ko pa kaso napalakas yata yung bulong ko.

"What?"halos mapaatras ako sa biglang pagsalita niya.

Lakas ng hearing mechanism ah.

"Po? Ano po?"tanong ko sakanya.

"Hey kid , hindi porket nagbigay ka ng cheap mong paper ring you can call me bipolar na ha!"sigaw  niya saakin.

"Hindi ako bingi miss , wag ka sumigaw."Saad ko pa.

"This is my school ,I'll do what ever i want."napangiwi nalang ako at balak na siyang lampasan but someone grabbed my hand.

"Bakit?"tanong ko habang nakangiti.

"Uhh don't smile idiot , you're scaring me!"sigaw ulit niya.

"Scary pala ’tong smile ko ha, Miss what if ngitian kita lagi?" tanong ko sakanya.

Inirapan lang niya ako habang ako ay nakangiti sakanya habang nakalabas ang mga cutie na dimples ko.

My Everyday Life With You (On Going)Where stories live. Discover now