Pahina 5

1.4K 44 5
                                    

Raven pov.

Mag-isa ako ngayon na nakaupo sa canteen , wala kasi si beatrice eh. Absent siya for almost 2 days na rin. Wala tuloy akong kasama.

Tatayo na sana ako pero biglang dumating si jiro.

" Baka pwedeng dito muna tayo? " saad niya kaya tumango nalang ako kesa naman para akong kawawa rito.

" Sige." sagot ko sakanya.

" May gagawin ka mamaya pagkatapos ng last subject natin?"  tanong niya saakin at umiling nalang ako dahil wala naman akong pupuntahan mamaya. 

"Wala , bakit?"

"Labas tayong dalawa." he said while smiling.

"Pag-iisipan ko pa , tinatamad kasi ako e." tugon ko sakanya.

Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Huwag ka kasing tamarin , sige ka iisipin kong first day of date palang natin ay gusto mo na ako."  nanakot pa ang loko.

"Hindi ako mafa-fall sa 1 week lang Jiro. Hindi ako ganon kadali main-love ano." depensa ko sa sarili ko.

"I will make you mine raven, don't worry." umiling nalang ako at tumayo na dahil naboboring na ako sa kausap ko ngayon.

"Mauuna na ako , may pupuntahan pa ako." paalam ko sakanya.

"Sabihin mo sakin kapag free ka ha?!" sigaw pa niya saakin pero di na ako sumagot at kumaway nalang sakanya.

Dumiretso nalang ako sa block namin at hihintayin nalang doon ang last professor namin.

Bago pa ako makarating doon ay may nakita akong lalaki na kasama ni Miss Stella Hilary.

Napag-isipan kong huminto muna sa gilid at makinig sa usapan nila. Alam ko naman na masama makinig sa usapan ng iba pero lord last na ‘to.

"Come on Stella , don't act like a immature woman." sabi ng lalaki kay miss stella.

"I'm not acting like a kid stupid, i just don't want to see your fúcking face here in front of me." sagot ni miss sakanya.

"Are you still mad?" tanong ng lalaki sakanya.

"I don't have a reason to get mad at you Tristan , cause i already moved on." madiin na sabi ni miss sa tinawag niyang trista.

"Your father and my dad sign an deal. We'll get married next month." napatakip ako ng bibig sa sinabing yon ng lalaki.

"I don't want to get married , lalo na sayo tristan." pagkasabi non ni miss ay agad siyang umalis at iniwan ang lalaki.

Pinanood ko silang maghiwalay ng daan habang ako ay hindi makapaniwalang pinalaki pala akong chismosa ni papa. 

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at naglakad papuntang block. Sapat na yung nasagap kong chismis.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala na ipapakasal si miss sa ayaw niya namang pakasalan. Katangahan lang yon ano , ikakasal ka sa di mo mahal.

My Everyday Life With You (On Going)Where stories live. Discover now