Chapter 1

7 0 0
                                    





She is stillness in a world of chaos. — perry poetry




DIONE's POV


Sabi nila, paminsan-minsan, kailangan mo rin mag pahinga. Which is true. Sa gulo ng buhay at ingay ng mundo ngayon, deserve nating lahat ng pahinga.

Go out and travel.
Don’t be afraid to travel.
With travel, you gain precious experience and a new outlook on life.

That is why here I am. Driving. Going to one of the most popular tourist destinations near Metro Manila. Batangas!

Not to travel or to have a vacation, but to stay there for good.

If papipiliin ako, ayoko rin sana. Since, lumaki ako sa Metro Manila. And all my close friends and work are in there... But I need a breathing at may gusto rin akong iwasan na tao.

I know sometimes it's easy to cut people out of your life but I didn't get the chance to do that, since I loved that person once. But now, I'm fed up. So ako na lalayo.







It took me an hour and 25 minutes to reach my destination.
I'm planning on staying muna sa Hotel here in Lipa City.




Bumaba na ako ng sasakyan at kinuha ang maleta sa trunk.
Pagkatapos niyon ay pumasok na ako at pumunta sa lobby.




"Good day, Ma'am. Welcome to Palazzo," bati sa akin ng receptionist.



I smiled. "Good morning. Nag pa-reserve ako ng room, RPV, for a month."



"Can I get your name, Ma'am?"



"It's Dione. Dione Hererra."



Tiningnan naman niya kaagad ang monitor sa harap niya at kaagad na ngumiti ulit sa akin after niya iyong ma-confirmed. "I hope you enjoy your stay here, Ma'am. I'll find someone to help you and guide you to your room," aniya at kaagad na tumawag ng bell boy.



"Good morning po, Ma'am." bati nito sa akin.



"Good morning."



"Ako na po diyan," anito at kinuha ang maletang hawak ko. "This way po, Ma'am." at naglakad na nga. Sinunandan ko siya.



Hindi naman sobrang layo ng nilakad namin. Okay lang. Na-enjoy ko rin namang tingnan yung ilang bahagi ng hotel. It was aesthetically pleasing to see.

Lalo nung nakarating kami ng RPV at nakapasok na ako sa kwarto ko.
The room has a queen-size bed. Good for 1 to 2 people. Tamang-tama for me. It has TV, wifi access and oh! I have my private pool. Nice! Since I don't like crowded places, this is the perfect place for me.




Kaagad kong inayos ang mga gamit ko. After nun ay nag shower na muna ako, at nagbihis.

Humiga ako sa malambot na kama at tahimik na tiningnan ang kisame ng kwarto.


'Am I even doing the right thing?'


"Of course. For the peace of mind that you deserve, you are doing the right thing, Dione."



I left my house in Quezon City. I'm still considering if ibibenta ko ba yun or hahayaan ko na lang para if ever umuwi ako ng Metro Manila e may matutuluyan ako.

Agh! I'll think about it later. Right now, I'm hungry.
There is a free complimentary breakfast here, I should try it, right?

But I'm still too lazy to call a staff to deliver the breakfast. I can't even get up due to my laziness.

Mabuhay pa ba ako neto?

Kakaisip ko kung magbi-breakfast na ba ako or babangon na muna sana, ang ending e nakatulog ako. Opo.






Hapon na nang magising ako.

Nagunat-unat pa ako syempre. And then decided to get my bag. Sa labas na lang ako kakain since, gusto ko ring mag-ikot. I can do this since i'll be staying here for a month naman.



Lumabas ako ng gate.
I'm starting to love this place. It's peaceful. Relaxing and quiet. 

Kinuha  ko ang phone sa bag, kinunan ko ng picture ang daan. "Ah!" rinig kong sabi ng kung sino sa likod ko.



Kaagad ko siyang nilingon. "I'm sorry," hingi ko ng paumanhin. Hindi ko alam na may tao kasi.



"It's okay," sabi niya lang habang pinapagpag ang sapatos niyang natapakan ko.



"Sorry talaga. Hindi ko napansin na may papalabas pala ng gate," sabi ko uli.



"No problem," matipid lang na sabi niya saka tumingin sa akin.




Nagkatinginan kaming dalawa. 'Wow'
Awkward na lang akong ngumiti. Naglakad ako sa gilid at itinuro ang kamay sa daan. Ibig sabihin ay makakaraan na siya.

Ngumisi siya. 'Ay please, no.'




"See you around," aniya saka naglakad na nga.




Naiwan ako doong nakatayo lang at tiningnan ang gate kung saan siya lumabas. Katapat lang siya ng room na tinutuluyan ko.

Napangiti ako at tumangu-tango.
'It was a good idea to go and stay here. Good decision, Dio. Very good ka dyan.'




Naglakad na rin ako palabas at tinungo na ang parking area saka nagmaneho paalis.

I decided to go to Publiko Kitchen Cafe. 6 mins lang  naman ang layo nun sa Palazzo so, okay na rin. Hindi ko rin alam kung bakit dito ko naisip pumunta. Well, kasama siya sa list ng mga sikat na kainan sa Lipa e. Nandito na rin naman ako, bakit di ko pa puntahan.

Nice place. The setting was pleasing. The interior design is beautiful. All color combinations are pleasing to the eye. The background music is also nice so you can relax. Nakadagdag pa na hindi rin pa ganun ka crowded yung place kaya nakahanap din kaagad ako ng table.

And because I'm alone, I ordered a lot.
I ordered crispy pata which is one of their popular dish, nag order din ako ng squid ink canton, dahil feel kong ngitian ang mga tao mamaya, nag order din ako ng buttered garlic chicken, aligue fried rice and of course, my favorite, one strawberry cheesecake. Hindi pwedeng hindi ko bibilhin yun. Hindi talaga.

So nung na serve na siya... In fairness, panlaban ang presentation. Wow!
And the taste? Not gonna lie. The food is good. No wonder kasama siya sa list of recommended restaurants here in Lipa.

It's a good idea to eat outside. In fairness naman sa araw ko ngayon. Kahit papaano, nari-relax ako.

Nang maubos ko yung food—yes naubos ko. May kalalagyan naman kasi yun. Hindi naman ako o-order ng hindi ko kayang ubusin. 

Lumabas na ako at nagdrive ulit. Nag drive lang ako ng nag drive hanggang sa may madaanan akong park. Nag parada lang ako at bumaba na. Few people are walking and jogging. It wasn't crowded like the other parks. 

Tahimik akong naglakad.
Tahimik na pinakiramdaman ang malamyos at preskong simoy ng hangin.

Huminga ako ng malamim.

I like it here.
I like the serene and quietness of the place, malayo sa maingay at mausok na mundo sa Metro Manila. 

Tama nga rin talaga yung desisyon ko na mag stay na rito.

As long as hindi niya rin talaga malalaman kung nasaan ako...





— To be continued.

DIONE [ON GOING]Where stories live. Discover now