CHAPTER 6

85 0 0
                                    

LOW-KEY.

Natapos ang pagkain namin na nagngingit-ngit ang damdamin ko, umalis kami ni Dria sa cottage at bumalik na ng hotel para sa susunod na trabaho.

Nilagpasan ko si Pax at ang babaeng kasama nya, hindi ko sya tinitingnan but I can feel his burning gaze on my back.

Hindi naman ako na inform na ganyan pala ang tipo nyang mga babae, hindi pa nga ako nakaka-recover doon sa isang babaeng pumupunta sa bahay nya at ito na naman at may bago na naman sya? Parang nagpapalit lang  ng damit kung makapagpalit ng babae a.

Tsk tsk tsk.

Pero kung papipiliin ako ay mas bet ko ang babaeng pumunta sa bahay nya, kase mukhang desente at kabaliktaran nitong kasama nya ngayon na halata namang made in china.

Hindi naman sa nang-uukray ako sa mga gandang hiram sa syensa kase uso na yan ngayon at hindi na ikinakahiya. Ang gusto ko lang i-clarify na mas bet ko ang gandang hindi masyado halata na binhi ng agham.

Anyway, pauwi na ako ng makita ko na naman si Pax na nakaupo sa baybayin, tumayo sya kaagad pagkakita sa akin sabay lapit  pero hindi ako umimik at nagpanggap na hindi ko sya nakikita at ibinaling ang paningin sa ibang direksyon.

"Let's talk"  sabay hawak nya ng isa kong braso.

Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ang kamay nya na nakahawak sa akin.

"Let's talk" ulit nya na hindi parin inaalis ang pagkakahawak pero ganoon pa rin ang timbre ng kanyang boses.

At sa pagkakataong ito ay napadako na ang mga mata ko sa mukha nya. Umismid ako.

"Walang dahilan para mag-usap tayo" sabay hila ko ng braso ko na pinakawalan nya din naman.

"Meron" at humakbang papalapit sa akin.

Nakatalikod ako sa hotel at si Pax naman ay nakaharap, at sa gilid namin ay ang malawak na baybayin na kasalukuyang low tide.

"Ela!" familiar na ang boses ni Samuel sa akin kaya kahit nakatalikod ako ay alam ko na sya.

"Ela!!!"

Napapikit ako ng mariin ng marinig ko na tinatawag ako ni Samuel, kaya labag man sa kalooban ko ay nilingon ko sya.

"Oh, Sam. Bakit ka tumatakbo?" tanong ko ng makalapit na sya sa amin.

"Sabay na tayo pauwi" hinihingal na sabi nya na humawak pa sa dalawa nyang tuhod dahil sa pagod ng pagtakbo sa buhanginan.

I looked at Pax who had a dark face while looking at Samuel, alam ko ang awra na yon kaya iiwas ko na si Sam sa posibleng mangyari.

"Ahhm. Sam-"

"Hindi sya sasama sayo" agaw ni Pax sa sasabihin ko pa sana.

I bit my nails while looking at Sam nervously, kase kahit sya rin ay walang masabi at natigagal.

Pinandilatan ko si Pax pero hindi umepekto sa kanya ang ginawa ko. Instead ay kinuha nya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.

"Mula ngayon ay ayaw ko na may ibang lalaking naghahatid sayo maliban sa akin" he said straightforward like he owns me.

My heart beat faster because of the nervousness and I don't know what that nervousness is for?

Halos magdurugo na ang ibabang labi ko sa pagakakagat dahil sa pagka prangka ni Pax. At medyo nahihiya na ako kay Samuel dahil sa inasal ng gagong to.

"S-sige, Ela. Mauna na ako"

Nauutal na sabi ni Sam pero nakangiti ng hilaw at  mabilis ang mga hakbang na bumalik sa hotel.

FALLEN LEAF:  EL FARMA 3 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now