KNIGHT

21 2 0
                                    

“Can’t you just make time? Ikaw na nga lang ang nag-iisa kong apo hindi mo pa ako dalawin dito.” May hinampo ang tinig na iyon ng kaniyang Lola Gloria.

Nasa probinsya nila ito sa San Marcelino. Mayroon itong flower farm doon kung saan nanggagaling ang supply niya ng mga bulaklak, kaya naman kahit papaano ay may nagiging kita siya. Malaki kasi ang discount na ibinibigay ng lola niya.

Mag-isa siyang itinaguyod ng Lola Gloria niya. Bata pa lang ay namatay na ang kaniyang mga magulang. Parehong may sakit ang mga ito, na halos dalawang taon lang ang naging pagitan ng kamatayan. May sakit sa puso ang kaniyang ina, habang sa atay naman ang ama. Naunang namatay ang kaniyang ina. Hindi siguro iyon kinaya ng kaniyang ama, kaya mabilis din itong sumunod.

Tatlo ang anak ni Lola Gloria, pero ang kaniya lang ina ang nagkaroon ng asawa. Ang dalawa niyang tiyahin ay pareho ng soltera. Parehas na piniling huwag ng mag-asawa pa. Hindi niya alam ang rason, pero nakikita naman niyang masaya ang mga ito sa buhay na pinili.

Kaya naman, hindi maikakaila kung bakit may pagkakonserbatibo siya. Lumaki siya sa kalinga ng lola at mga tiyahin— na hindi naman mahihigpit, ngunit palaging ipinaaalala sa kaniya ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang babae, na dala-dala naman niya hanggang sa kasalukuyan. Iyon nga lang, nakalimot siya ng isang beses.

Mabilis njyang ipinilig ang ulo nang lumitaw roon ang imahe ng lalaking iyon. Kailan lang ay brokenhearted siya, pero sa tuwing maaalala niya ang ginawa nila at ang ginagawa nito sa loob ng elevator ay naiinis siya.

“Mhia. . . nariyan ka pa ba?” tanong ng kaniyang lola mula sa kabilang linya.

“Oho. Siguro sa isang linggo pa ako makauuwi, La. Marami pa akong tinatapos na trabaho rito,” aniya pagkatapos ay sumandal sa kinauupuan.

Naroon siya sa loob ng opisina niya. Mag-isa na lang siya roon at hinihintay na lang ang paparating na deliver ng mga bulaklak.

“Kung ganoon, hindi na lang ako tatanggap ng orders mo para wala ka ng trabahuhin,” wika nito.

“Lola. . .” natatawang pagpoprotesta niya. Kahit kailan talaga, may pagkamakulit din ito. Hindi talaga siya nito tatantanan hangga’t hindi nakukuha ang gusto.

“Kung trabaho ang iniisip mo, marami akong maibibigay sa iyo rito. Bakit ba naman kasi diyan pa sa Maynila mo naisipang magtayo ng flower shop? Puwede namang dito na lang sa atin. We could also put a flower shop here if you want. I could be your investor,” pang-eengganyo pa nito.

“Tsk! Si Lola talaga. Kaya ko kayo na-m-miss, eh. Bentang-benta sa akin ang mga hirit niyo.” Naiiling na lang siya sa kawalan.

“Iyon naman pala, na-m-miss mo naman pala ako, bakit hindi mo pa ako dalawin dito bukas? Your aunts were pestering me here. Ayaw na nila akong pakilusin sa flower farm. Ginagawa akong inutil, kaya ko pa namang magtrabaho,” sumbong nito sa kaniya.

“Eh, kasi naman matigas din ang ulo ninyo minsan. Alam na ninyong bawal sa inyo ang masyadong napapagod dahil tumataas ang BP ninyo, sige pa rin kayo. Auntie Pillar must be really upset kaya kayo nasesermunan.” Ang tinutukoy niya ay ang anak nito na panganay.

“Sus! Mas tataas ang presyon ko kung hindi ako magtatrabaho! Kaya sige na, umuwi ka na rito,” pagsusumamo pa nito na parang bata.

Napakamot na lang siya sa ulo. “I promised, next week talaga uuwi ako. Huwag muna ngayon, please?” Siya naman ang naglambing dito. At kapag ganoon, siya rin naman ang nananalo.

Narinig niya ang pagbuntonghininga nito. “May magagawa pa ba ako? Basta, next week aasahan kita rito. May ipakikilala pa naman ako sa iyo.”

Napataas ang kilay niya. “At sino naman?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVEWhere stories live. Discover now