WHITE ROSE

29 0 0
                                    

Nagulantang si Mhia nang tumunog ang telepono sa kaniyang tabi. Matagal niya muna iyong pinagmasdan bago patamad na sinagot.

“Hello?”

“Why aren’t you answering my calls?” bungad ng kaniyang kasintahan si Cendrick.

Napakagat-labi siya. All of a sudden, she felt guilty kahit hindi naman dapat. Dahil patas na sila ngayon nito.

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Bakit nga ba niya nagawa ang bagay na iyon? At hindi lang isang beses nilang ginawa iyon ng estranghero, paulit-ulit pa hanggang sa pareho silang igupo ng antok.

“Mhia. . . ?” untag ni Cendrick sa kabilang linya. “May problema ka ba?”

Napahigpit ang hawak niya sa telepono. Kasalukuyan siyang nasa flower shop, sa maliit niyang opisina roon. Gaya nang nakaraan, nakatulala na naman siya kanina pa.

“Mayroon ba dapat?” balik-tanong niya rito pagkaraan ng ilang sandali.

“Oh, bakit parang ang init naman ng ulo mo? Nagtatanong lang naman ako,” depensa nito.

Napabuntonghininga siya, pagkuwa’y umiling. “Pwede bang saka na lang tayo mag-usap? May ginagawa pa ako,” aniya makaraan ang ilang sandali.

“Alright. Daanan na lang kita paglabas ko rito sa office.” Isa itong engineer sa isang malaking kompanya. Halos hindi rin nalalayo ang opisina nito sa flower shop niya.

“No, Cendrick. Saka na lang tayo magkita,” pigil niya rito. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang magkasalubong na ang mga kilay nito.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo, may problema ba tayo? Because I feel that there is.”

Napailing siya sa kawalan. “Alam mo kung bakit ako nagkakaganito,” makahulugang tugon niya.

“No. I don’t know why you act like that. Hindi ako manghuhula, Mhia.”

“Really? Hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito? Gusto mo bang sabihin ko na sa iyo ngayon?”

Hindi naman agad ito nakaimik.

Pagak siyang natawa. “See? Alam mo kung bakit, kaya huwag mo na munang ipilit ang gusto mong mangyari. Marami akong gagawin ngayon. Saka na lang tayo magkita. Bye!” Sa inis ay ibinagsak niya ang telepono. Sigurado siyang nagulat ang lalaki sa kabilang linya. Iyon ang kauna-unahang beses na ginawa niya iyon.

He deserved it anyway, sa loob-loob niya bago muling tumunganga sa kawalan.

Naglalaro pa rin sa isip niya ang nangyari nang nakaraang gabi. Paulit-ulit iyon na nagpapainit sa kaniyang pakiramdam. Tuloy, wala sa loob siyang napahagod sa kaniyang mga labi. Para kasing nararamdaman pa niya roon ang ginawang pananalasa ng lalaking iyon sa kaniya. Ang malambot at mainit nitong mga labi, pati na ang mabango nitong hininga.

Wala sa sariling napapikit siya. There was something inside her na bigla na lang nabuhay. Ang kakaibang init na nanunulay sa buo niyang katawan, maisip pa lamang ang ginawa ng lalaki sa kaniya, ay nagpapawala na sa kaniyang sarili.

She got wet just by thinking about that stranger kissing her. Something never happened to her before. Kahit sa kasintahan niyang si Cendrick ay hindi nangyari ang ganoong pakiramdam. Iyong parang darang na darang siya at parang uhaw na uhaw.

Napatingin siya sa pagitan ng mga binti niya. Bukod sa masakit niyang mga hita at binti, masakit rin ang nasa pagitan niyang iyon.

Hindi ba naman kayo nagpahinga, malamang sasakit nga iyan, sermon ng isang bahagi ng kaniyang isipan.

Namula siya. Bakit ba parang naging mahalay naman ngayon ang isipan niya? Hindi ba dapat problemado siya ngayon? Dahil kahit saang anggulo tingnan, mali pa rin ang ginawa niya. Kahit paghihiganti lang iyon, sila pa rin ni Cendrick! At lumalabas na taksil siya!

HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVEWhere stories live. Discover now