BROKEN

38 2 0
                                    

Chapter 1 - BROKEN

Maya’t maya ang malalim na pagbuntonghininga ni Mhia. Tulala lang siyang nakatingin sa labas ng flower shop na pag-aari niya. Siya lang ang tao roon sa mga sandaling iyon, kaya malaya siyang tumunganga.

Tumunog ang wind chime na nasa pintuan, indikasyong may pumasok na tao, pero malungkot pa rin siyang nakatulala sa kawalan. Nakapangalumbaba pa siya sa tabi ng counter.

“Mananakawan ka, alam mo ba iyon?” anang tinig na pumukaw sa kaniyang pag-iisip.

Napatingin siya rito. Nakangiting mukha ng kaibigan niyang si Tiffany ang bumungad sa kaniya.

Muli siyang tumingin sa kawalan. Muli ring bumuntonghininga.

“Ay! Deadma?” palatak nito. May kalakasang tinapik pa nito ang countertop.

Hindi niya ito pinansin. She’s not in the mood para makipagbiruan dito.

“Hoy, Mhia! Huwag mo nga akong dramahan nang ganiyan! Nakakainis ito! Magsalita ka, hoy!” Hindi na ito nakatiis, tinampal na nito ang braso niya.

Napahikbi siya na ikinagulat nito. Bumalatay sa mga mata nito ang pag-aalala.

“Sorry. . . Napalakas yata ang hampas ko,” anito.

Mabilis niyang pinunasan ang pumatak na mga luha sa kaniyang magkabilang pisngi, pagkuwa’y ngumiti rito.

“It’s not you.”

Nagsalubong ang mga kilay nito. “What do you mean it’s not you? Huwag mong sabihin sa aking— si Cendrick na naman ba?”

Nag-iwas siya ng tingin. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa kasintahan dahil katakot-takot na sermon na naman ang aabutin niya rito.

“Huwag mo akong daanin sa pagi-ganiyan mo, Mhia, ha. . .” babala nito. Nameywang ito sa harapan niya. “Ano na namang ginawa ng lalaking iyon, ha? May babae na naman ba?” pag-uusisa nito.

Hindi siya sumagot. Alam na naman nito kung anong pag-uugali mayroon si Cendrick. At iyon ang ikinagagalit sa kaniya ng kaibigan. Masyado raw siyang martyr at patay na patay sa lalaki.

She and Cendrick were in an off and on relationship for almost a year now. Iyon ay dahil sa nag-iisang kapintasan ng boyfriend niya— masyado itong palikero.

Pero kahit ganoon, nakukuha pa rin niyang patawarin ang lalaki. Hindi niya rin alam kung bakit, lalong hindi niya alam kung bakit niya natitiis na saktan siya nito, emotionally— na palaging ikinagagalit ni Tiffany. Pakiramdam niya kasi mamamatay siya kapag nawala ang kasintahan sa kaniya. Ganoon niya ito kamahal.

“Ewan ko ba sa iyo, Mhia! Ilang beses na naulit pero tinatanggap mo pa rin. Kung puwede nga lang iumpog kita sa pader ginawa ko na. Aba, hindi na maganda iyang paulit-ulit na panloloko niya sa iyo, ha! You’re doing it a habit. My God! Kapag nagkakamali siya, madali mo rin lang pinatatawad. Kaya siya nasasanay dahil nasa sa iyo na rin mismo!” panenermon nito.

“Eh, anong gagawin ko? Sa ma—”

“Mahal mo?” sarkastikong putol nito. “Eh, ang sarili mo hindi mo ba mahal? Huwag kang t*nga, Mhia! Please. . . hiwalayan mo na siya.” Hindi iyon pakiusap kun’di utos.

Napabuntonghininga siya. Nagbabadya na namang bumuhos ang kaniyang mga luha.

“Naku! Naku! Tapos ganiyan ka! Iiyak-iyak!” talak pa nito. “Huwag mo akong daanin sa paiyak-iyak mong iyan, Mhia, ha! Ikaw ang aayaw umalis sa relasyong iyan. Ikaw rin mismo ang nagdudulot ng sakit sa sarili mo. Kaya iyang pag-iyak-iyak mo, tigil-tigilan mo. Naku! Nanggigigil talaga ako. Kung hindi lang kita kaibigan, matagal na kitang hinayaan diyan sa pagpapaka-t*nga mo!” Tumatahip ang dibdib nito habang sinasabi iyon.

HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVEWhere stories live. Discover now