“Basta! Hindi kagaya niyang loko mong boyfriend,” anito.

Alam ng kaniyang lola ang nangyari sa kaniya. Wala naman siyang ibang pinagkukwentuhan kun’di ito. At nang marinig nito ang lahat-lahat, gusto nitong sumugod ora-mismo roon. Mabuti na lang at napigilan niya, dahil baka hindi lang sampal ang abutin ni Cendrick dito. Baka mawalan ito tuluyan ng kaligayahan.

Magaling sa taekwondo ang lola niya. Katunayan, black belter ito noong araw.

“Sige na, La. Narito na rin ang delivery. Tawagan ko na lang ulit kayo bukas,” paalam niya rito nang may marinig na humintong sasakyan sa labas.

“Sige, apo. Mag-iingat ka riyan, ha. Basta ang bilin ko sa iyo, kahit sinaktan ka pa ng Cendrick na iyon, huwag pa ring kalilimutang maniwala sa pag-ibig. Darating at darating din sa iyo ang taong tapat at magmamahal sa iyo nang buong-buo.”

Napangiti na lang siya. Kahit nasasaktan siya, kapag naririnig niya kung gaano ka-pessimist ang kaniyang lola, nanatili pa rin ang pag-asa sa puso niya. Na balang araw, mayroong magmamahal sa kaniya nang totoo. Hindi iyong mapagkunwari. Hindi iyong sasaktan siya.

“Opo. Kayo rin diyan nina auntie.” Pagkababa niya sa telepono ay sumilip agad siya sa labas. Ganoon na lang ang kaniyang pagkagulat nang makitang may nakatayo sa may hamba ng pintuan niya. Kung hindi niya agad natakpan ang bibig ay baka kanina pa siyang nagtitili.

“Anong ginagawa mo rito?” paangil niyang tanong nang makabawi.

“I was hoping if we could talk,” ani Cendrick. Para itong namatayan sa itsura nito. Gulo-gulo ang buhok at walang kaayusan ang suot na damit. Halata sa itsura nitong lasing ito.

“Wala na tayong dapat na pag-usapan pa,” aniya nang lumapit dito. Sumalubong sa kaniya ang nakasusulasok na amoy alak nito. Nanuot iyon sa ilong niya, kaya bahagya niya itong itinulak.

“Get out of here,” malamig niyang turan.

Nang hinawakan niya ito sa braso para hilahin palabas ay bigla na lang siya nitong kinorner sa pintuan. Itinukod nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya, allowing here not to move an inch.

“W-what are you doing?” Nag-umpisang bumangon ang kaba sa dibdib niya. Nawala ang lungkot sa mga mata nito. Napalitan iyon ng pagnanasa.

Hinagod nito ng tingin ang dibdib niya. “I know that you are not a virgin anymore. You f*ck a guy to get even with me,” may halong galit sa tinig na wika nito.

Napasinghap siya. Mariing nagdikit ang kaniyang mga labi. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang si Tiffany ang nagsabi niyon dito.

Itinulak niya ito, pero mas malakas ito sa kaniya. Idiniin pa nito ang pang-ibabang bahagi ng katawan sa kaniya para hindi siya makagalaw.

“You deprived me for so long, pero iba lang pala ang makikinabang sa iyo? Sa iba ka lang pala bibigay. Bakit, Mhia, ha? Mas masarap ba siyang humalik? Mas masarap ba siyang magpaligaya kaysa sa akin?”

Nakuha niyang iigkas ang isang kamay. Tumama iyon sa pisngi nito.

“You have no right to accuse me about anything! Dahil ikaw ang naunang nagloko sa atin. Ikaw ang paulit-ulit akong sinaktan. So, why would I bother explaining myself when you are the one who ruined our relationship long before, huh!” Muli niya itong itinulak nang malakas. Nawalan ito ng balanse at sumalya ito sa hamba ng pintuan.

Nanlilisik ang mga matang tinitigan siya nito, bago hinaklit ang kaniyang braso. Tumingin siya sa labas, madilim na at walang gasinong tao na napagagawi sa tapat ng shop niya.

“What? Looking for someone who could help you?” sarkastikong tanong nito. “Walang tutulong sa iyo.” At hinila siya nito pabalik sa loob ng kaniyang opisina. Pasalyang itinulak siya nito sa kaniyang lamesa. Tumama ang pang-upo niya roon kaya napangiwi siya.

Hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa. Dinaluhong siya nito ng halik. Parang nag-iba bigla ito. Para itong nasaniban ng kung ano at gigil na gigil na kinagat ang kaniyang labi nang magpumiglas siya.

Pinagsusuntok niya ito sa dibdib habang pilit na kumakawala rito, pero malakas si Cendrick. Ang impit niyang tili ay hindi magawang kumawala sa kaniyang may lalamunan. He suppressed her scream using his mouth. Ngunit nang bahagya itong lumayo para sumagap ng hangin ay siya naman ang kumagat sa labi nito.

“F*ck!” malakas nitong hiyaw nang malasahan ang sariwang dugo na nagmumula sa labi nito. Itinaas nito ang isang kamay at akmang sasampalin siya ngunit hindi iyon lumapat sa kaniya.

Pareho silang napatingin sa nagmamay-ari ng kamay na pumipigil dito. Nang makilala ang naroon, dahan-dahang pumatak ang kaniyang mga luha. She felt relieved, at the same time, scared. Ang pagtatapang-tapangan niya kanina lamang ay naglaho parang bula.

The man behind Cendrick didn’t say a word. Basta na lang nito sinapak ang huli. Bumalandra ito sa sahig.

“D*mmit!” Mabilis na tumayo si Cendrick. “Who are you?” nanlilisik ang mga matang tanong nito sa bagong dating. Kumuyom din ang mga kamao nito.

“I’d rather not do that if I were you,” banta nito sa malamig na tinig— na kahit siya ay pinanindigan ng mga balahibo sa katawan. Mas matindi pa kasi iyon sa lamig ng yelo. Tinig pa lang nito, para ka ng sinaksak nang paulit-ulit.

“F*ck you! Huwag kang mangilam dito. Away magkasintahan ito!” Pinahid nito ang umagos na dugo mula sa ilong. “F*ck!”

“Really? Parang hindi ganoon ang nakikita ko. You are harassing her.” Lumapit ang lalaki sa kaniya at pinagmasdan siyang mabuti. Dumaan ang galit sa mga mata nito nang makita ang dumudugo niyang labi. “Do you want me to call a police?” masuyong tanong nito sa kaniya. Pinahiran pa nito ang luhang bumasa sa pisngi niya.

Umiling siya. “N-no. . .” aniya sa mahinang tinig.

“You better get out of here right now, bago pa ako makalimot,” wika ng lalaki nang lingunin si Cendrick.

Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Unang sumuko si Cendrick. Pero bago ito umalis doon ay nag-iwan pa ito ng salita. “I’ll come back some other time. And I’ll make sure that you are going back with me.” At tuloy-tuloy na itong lumabas.

Hinabol niya ito ng tingin. Nang mawala na ito, doon siya biglang nanghina. Nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod at naging mabuway ang kaniyang pagkakatayo.

“Careful,” anang lalaki sa kaniyang tabi na mabilis siya nasalo sa muntikang pagkatumba.

Dala ng takot, walang sabi-sabing niyakap niya ito at umiyak nang umiyak sa dibdib nito.

-------

📌Promotion lamang po ito. Kumpleto na po ang story nito sa Dreame, Yugto, Goodnovel, at Novellah. Sa VIP naman po namin naroon ang special chapter. Message lang po sa Shein Althea Stories FB Page para sa karagdagang detalye.

Gael Aragon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVEWhere stories live. Discover now