Prologue

4 0 1
                                    

"Do you know why I love city lights?", tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw at ang mga ilaw na nakabukas na mula sa buildings. Nandito kami sa rooftop ng condo kung saan tanaw ang school namin. Papadilim na pero nakikita pa rin ang mga kulay sa langit dahil sa paglubog ng araw.

"Why?", tanong naman niya pabalik.

"Because city lights strive to make the night sky less lonely. They complement each other. Hindi magmumukhang kumpleto kung wala 'yong isa. Kung walang ilaw, malungkot ang gabi. Kung wala namang dilim, para saan ang ilaw? Kaya rin siguro ang ganda nila tingnan kasi they fit and contrast perfectly," pagpapaliwanag ko.

"Pero alam mo? Kung papipiliin ako, mas gusto ko pa rin 'yong payapa lang at wala masyadong tao, parang Siruma. Sa hometown ko sa Bicol, maraming mga beach na masarap puntahan dahil kaunti lang ang tao. Ang kaso lang, mahirap puntahan 'yong iba pero fun naman! Try mo next time 'pag nagawi kayo ro'n!", pagkukuwento niya.

"Siruma?", tanong ko sa kanya. It sounds new to me. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'yon.

"Oo, Siruma," paglilinaw niya.

She has always been like this. She prefers serene places while prioritizing fun and adventure. Sa totoo lang, mas adventurous siya kaysa sa 'kin. I prefer things na nakasanayan ko na. I admire her for continuously searching for things and places na bago para sa kanya.

"Alam ko na ang sagot mo pero gusto ko pa rin sana itanong. You know, baka iba pala perspective mo. Ano thoughts mo sa LDR?", she randomly asked. Gabi na at nasa Lacson kami, naglalakad pauwi galing sa school. 7 am to 7 pm schedule sucks.

"LDR? Well, hanga ako sa mga tao na nakakayanan ang ganyang set-up, but I don't think it's for me. You know me better than anyone else, Ali. Quality time ang love language ko," I chuckled.

"Pa'no kung kinakailangang umalis ng partner mo?", tanong niya sa 'kin.

"For what?", paglilinaw ko.

"To achieve their dreams?", hindi sigurado niyang sagot.

"If that's the case, it would be better for them to focus on their dreams. After all, love can wait naman, di ba?", I answered.

"Magshi-shift ka na, Allison?," matamlay na bungad ko nang maabutan ko siya sa rooftop. Nakasandal siya sa railings habang nakalapag ang phone niya sa outdoor table. May mga notifications 'yon at hindi na 'ko nag-abala pang tanungin kung ano at kung kanino galing. Agad ko siyang nilapitan at lumingon naman siya sa direksyon ko. Bakas sa mukha niya ang pag-iyak.

"Yes," sagot niya. Halata sa boses niya ang matinding pagod at lungkot. Exam week ngayon pero sa limang exams na tapos na dapat niya ay wala siyang nai-take ni isa. Hinahanap na rin siya sa 'kin ng classmates namin sa isang subject dahil marami na raw siyang na-miss na quizzes at exams.

"Kung kailan third year na tayo, Ali?", panghihinayang ko.

"I'll take Aviation," hindi ko inaasahan ang susunod niyang sinabi.

"Sa Canada."

"Canada? Bakit? Hindi ka na ba masaya sa course mo? Napapagod ka na ba?", pag-uusisa ko. "Alam mo namang nandito lang ako, di ba? Tutulungan kita. Kaya pa natin habulin 'yon," dagdag ko pa.

"My parents want me to go and study there instead. I can't follow a different career path dito sa Pilipinas. Si Daddy, kilalang neurosurgeon. Si Mommy, anesthesiologist. Si Kuya, doktor na rin. Si Ate, kakapasa lang sa board. Mga tito't tita at mga pinsan ko, puro rin doktor. Habang ako, ito, pinipilit mahalin 'yang lintik na course na hindi ko naman ginusto dahil...", tuloy-tuloy na ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.

"Dahil ayaw kong maging kahihiyan sa kanila," lalong lumakas ang pag-iyak niya. "At ayaw kong ma-disappoint sila na iba ang landas na gusto ko sa gusto nila para sa 'kin," bumuntong-hininga siya. "Hindi ko gusto ang pagdodoktor, Elle. Gusto kong makita kung hanggang saan ang kaya kong marating, kung hanggang saan ako kayang dalhin ng mga pangarap ko."

Sa halos tatlong taon naming magkasama, mula freshman year, sophomore year, at ngayon na third year na kami, ngayon ko lang narinig ang ganito kay Allison. You can't see inevitable drive and burning passion in her eyes sa tuwing pinag-uusapan ang current course niya. Pero pagdating sa Aviation, she seems so passionate about becoming a pilot.

Tatlong taon na rin mula nang umalis si Allison sa Manila para mag-aral sa Canada. I already graduated from my pre-med course at naipasa ko na rin ang board exam to become a registered pharmacist. Wala na 'kong balita kay Allison dahil binlock ko na siya sa lahat ng social media accounts ko. Mommy na lang niya ang friend ko sa Facebook na hindi rin naman masyadong nagpo-post about sa kanya. Ang kadalasang post ni Tita ay tungkol kay Kuya Aldrich at Ate Alaine.

We never had a closure since the day she left for Canada. We prefer things to be left unsaid. Ang problema sa 'min, kung kailan may communication kami, saka do'n kami walang masabi sa isa't-isa. Pero kapag hindi na kami nakakapag-usap, do'n lumalabas lahat ng gusto naming sabihin. At dahil nga binlock ko na siya sa social media accounts ko, I guess she took that as a sign na ayaw ko pa siyang makausap ulit. Hindi pa 'ko handa para ro'n.

Honestly, ngayon na wala na siya sa tabi ko, life feels lonely. Mayroon akong mga kaibigan bukod sa kanya, but I guess she really knows me best. She knows how to handle me well, how to take good care of me. Sa halos tatlong taon na magkasama kami, nagkaroon ako ng sandalan, someone na nandiyan palagi para makinig sa mga kuwento ko, someone who understands my silence, someone na masasabi kong isang tingin pa lang sa 'kin ay alam na kung ano ang lagay ko. I miss those significant and insignificant moments with her. Minsan, napapaisip na lang din ako kung mas bearable ba ang med school ngayon kung kasama ko siya?

Gusto kong magtampo at magalit sa kanya dahil gano'n na lang nang iwan niya 'ko pero naiintindihan ko siya kung bakit kinailangan niyang umalis. Mahirap mahalin ang isang bagay na hindi mo naman talaga mahal, lalo na kung alam mo sa sarili mo na may iba kang gustong gawin.

Huli na nang malaman ko na umuwi pala siya ng Pilipinas to celebrate Christmas and New Year with her family in Bicol. Nakita ko ang post ni Tita kagabi habang nags-scroll ako sa newsfeed ko. Hinihiling ko na lang na sana ay hindi siya lumuwas ng Maynila, lalo pa't head ng Neurosurgery Department sa UST Hospital ang Daddy niya. Hindi kami pwedeng magkita dahil alam ko sa sarili ko na kung tanungin man niya 'ko kung pwede pa, tataya ako nang walang pag-aalinlangan.

From my condo sa Lacson Avenue, nakapasok na ko sa Gate 14 nang makita kong naka-park ang pamilyar na sasakyan sa may tapat ng UST Hospital. Isang itim na Ford Everest Sports na may plakang "AAN 1219". Hindi nga ako nagkamali dahil papasok na siya sa sasakyan nang magtama ang tingin namin.

Pa'no kaya kung sinabi ko man lang sa kanya na may babalikan pa siya? Na kaya kong maghintay para sa kanya? Kasi siya yan, eh.

Tinatawag pa lang niya ang pangalan ko, tumatakbo na 'ko papunta sa kanya.

"Ellie?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

City Lights in ManilaWhere stories live. Discover now