Pakawalan mo hangga't kaya pa.

22 0 0
                                    

Ang pag-ibig...
Ipinaglalaban kahit saang panig.
Rinig kahit ang kaliit-liitang tinig.

Ngunit may pagmamahal na kahit anong sigaw ay 'di naririnig.
Na kahit ipaglaban ay 'di sasapat sa dakong may kabilang nais.

Marami ang ibig sabihin sa ganitong kalakalan.
Marami ang dapat tandaan —
Tandaan na minsa’y dapat pang pag-aralan.

Sa kabila nito’y marami rin ang sapat nga, ngunit bawal.
Marami ang sakto na, ngunit ayaw ng ilan.

Tipong gusto niyo pa, ngunit marami sila —
Sila, na kahit kailan ay 'di kayo maiintindihan.
Sila, na pilit kayong binabakuran.
At sila, na mas gugustuhin pang makita ang inyong mga luha.

Kaya sa kaniya, sa'yo, sa inyong dalawa,
Mas pipiliin niyo ang magpakawala,
Ang lisanin ang bawat isa,
At pilitin na huwag ng kumapit pa.

Dahil para saan pa 'di ba?
Para saan pa ang paglaban kung pareho kayong nauubos.
Kaya minsan, mas naniniwala ka sa kasabihang...

Pakawalan mo hangga't kaya pa.
Pakawalan mo nang maisalba kayong dalawa sa pagkalunod.

Nang kahit kaunti ay may matirang...

Maliit na tiyansa.
Maliit na pag-asa.
Na minsa’y kaakibat ng mga ‘sana’.

Na sana balang araw ay puwede na, kahit...

Pinakawalan mo ang isang gaya niya noong may pagkakataon ka.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 07 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Mga Nilikhang Tula Donde viven las historias. Descúbrelo ahora