Pag-abot ng pangarap, hanggang kailan?

64 2 0
                                    

Mahirap.
Nakakapagod.
Masaklap.
Hindi kalugod-lugod.

Mga bagay na palagi nating sambit sa t'wing nahihirapan tayo.
Mga bagay na madalas kinaiinisan dahil lang sa aktibidad na iniatang sa 'yo.
Mga gawain na 'di matapos-tapos.
At gastusin na 'di mabaya-bayaran dahil naghihikahos.

Hanggang kailan?

Minsahang tanong natin 'pag lubos na ang hirap.
Kapag akala natin wala na tayong pag-asang malalasap.

Hanggang kailan?

Hanggang kailan tayo luluha para sa pangarap?
Hanggang kailan tayo aasa sa mga sandali ng ating buhay?

Hanggang kailan?

Nakakapagod ang paulit-ulit na sistema.
Ang paulit-ulit na paalalang 'sana kayanin pa'.

Nakakapagod ang maging mahirap.
Ang umabot ng isang pangarap.
At mag-silbing liwanag para sa ibang nilalang.

Hanggang kailan?



Hanggang kailan magsusumamo maabot lang ang bituin?
Maabot lang ang mga mithiin.

Hanggang kailan?

Walang espisipikong oras.


Parang sugal na walang bukas.


Hanggang kailan?

Ang umabot ng pangarap, hanggang kailan?

Mga Nilikhang Tula Where stories live. Discover now