Mundo
***Ka’y saklap ng mundo
Halos walang perpekto
Puno nang pagkalito
Ngunit, patuloy na natu’tuto*
Tulad ng mga taong nagmahal ng husto
Sakit ang kanilang natatamo
Sabihing ‘di kasalanan ng lipunan
Pero ba’t pare-preho tayong nasasaktan?*
Mga trabahong naapektuhan
Kaya may mga taong nawawalan
At kasabay ng kitang lumisan
Kasaganaha’y napapaltan*
Mga kabataang nagkaka trauma
Dahilan ng sira’ng pamilya
Pamilya na ayaw mag kaisa
Pamilya’ng dapat ay sama-sama*
Mga berdeng kapaligiran,
Ngayon ay nasa’an?
Kagagawan ng mga illegal
Halina’t ating pigilan*
Mga krimeng walang kalayaan
Justice na gustong makamtan nino ‘man
Ngunit bulag ang ilang mga opisyal
Sa panaghoy at hinaing ng mga taong bayan*
At ngayo’y aking napag tanto
Ka’y liit na nga nang mundo’t ‘di perpekto
Ito pa tayong mga tao
Nang aabuso sa natitirang kagandahan ng mundo**
![](https://img.wattpad.com/cover/311790268-288-k498541.jpg)
YOU ARE READING
Mga Nilikhang Tula
Poetry"Buhay otor ang papasukin ko. Para sa hobby na dadalhin hanggang dulo"