"Ayos lang ako.."

"Nilalagnat ka , papa! Si raven nilalagnat!" sigaw ni kuya at agad akong binuhat papunta sa kwarto ko kahit may hawak pa akong tubig at gamot.

"Ang OA kuya , normal lang magka-lagnat." mahinang sabi ko.

Nilagay mo sa mesa ang mga hawak ko at humiga na.

"Nasan?" bungad naman ni papa na may dalang palanggana at towel. May mga thermometer din at mga gamit niya sa hospital na meron din sa bahay.

"Papa naman e." sambit ko pa. Lumapit siya saakin at hinawakan ang noo ko.

"Sobrang init mo anak ah ." he said. Kinuha niya ang towel at binasa. Pinisil muna niya ito at nilagay sa noo ko.

"Kukuha lang ako ng bawang—"biglang binatukan ni papa si kuya dahil sa pinagsasabi niya. "Aray naman pa!"reklamo ni kuya.

"Nilalagnat ang kapatid mo , hindi inaaswang. Pambihirang bata 'to ah." papa said.

"Hays , tapos may aso ka pang alaga rito sa bahay. Malamang uutusan ako ni papa na pakainin yon." reklamo ni kuya.

"Malamang , mahal na mahal nang kapatid mo yon eh. Tyaka mas malinis pa yung aso sayo angelo. Yung ako tumatae sa taehan niya , ikaw?" tanong ni papa sakanya.

"Sa toilet bowl." kuya answered.

"But you're not flushing it properly." bira ni papa sakanya. Kaya napangiti nalang ako. "Matulog ka na , tawagin mo lang kami ng kuya mo if you need something anak." tumango ako sa sinabi ni papa.

Lumabas na sila ng kwarto ko at pinilit na matulog dahil na rin sobrang sakit ng ulo ko. Feel ko sasabog na eh.

Pumikit nalang ako hanggang sa makuha ko ang tulog ko.

Stella pov.

Nasa harap ako ngayon nang bahay nila. Siguro ay isang oras na rin ako rito. Hindi siya sumasagot sa tawag ko dahil naka off ata siya or lobat.

Nahihiya naman akong kumatok dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

Tumitingin lang ako sa bintana ng kwarto niya. Bukas pa naman ang ilaw , kaya siguro ay gising pa siya.

It is almost 8 pm at kanina pa akong 7 pm dito.

Nakasandal lang ako sa kotse ko at hinihintay na may lumabas sakanila , o hinihintay na lumabas siya o dumungaw man lang sa bintana niya.

Maghihintay pa ako hanggang 9. Kung wala pa , aalis na ako.

Yakap yakap ko na ang sarili ko dahil na rin sa lamig na nararamdaman ko.

8:11 pm.

Pumasok na muna ako sa kotse at sinandal ang ulo ko sa head board ng driver seat.

8:20 pm.

Pumikit na muna ako at nagbabaka-sakaling may lumabas pa sakanila.

I don't know why im doing this , fuck.

Tumingin ulit ako sa time ng cellphone ko ay napahinga ng malalim.

8:23 pm.

Bumuntong hininga lang ako at humalukipkip.

But suddenly someone knocked to my window kaya agad akong napamulat and it's raven's brother 

"Miss?" tanong niya at mukhang gulat na makita ako rito. "Gabi na po ah? Bakit nandito pa kayo?" tanong niya saakin.

"May ibibigay lang sana kay raven." palusot ko nalang. " Can i talk to her?" tanong ko.

"Ah miss , ako nalang magbibigay. May sakit kasi siya eh , sobrang taas ng lagnat. Tyaka po absent muna siya bukas , hanggang sa gumaling siya." My eyes widened when he said that raven is sick.

"Is she okay?" nagaalalang tanong ko.

"Ah ayos lang naman siya miss , nagpapahinga na siya. Tulog na." tumango nalang ako , kinuha ang sapatos niyang pinahiram niya saakin last time.

"Give this to her."kinuha naman niya at tumango.

"Sige na miss , baka gabihin na kayo ng tuluyan eh." tumango na rin ako at pinasadahan pa ng tingin ang bintana ng kwarto ni raven.

"Can i visit her tommorow?" tanong ko sa kapatid niya.

"Ah pwede naman miss , papasok ako bukas tsyaka pupunta sa hospital si papa for a while. You can visit her. " tumango naman ako at astang aalis na pero may sinabi pa siya. "11 to 3 po miss yung pwede nitong pag-bisita."he added.

"Salamat." tumango ulit siya at pumasok na sa loob.

Tumingin ako sa window ni raven. I want to see her , i want to visit her now.

"I miss you raven." bulong ko sa sarili ko. "I'm sorry."

You're not annoying , mas gusto pa nga yon eh. Siguro nasaktan ko talaga siya , i forgot that she's soft hearted.

Words cut deeper than blade.

Someone's calling to me kaya agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa. It's my Tita Raizen.

"Hello?" i answered.

"Hello my niece , im back. Nasa mansion ako ngayon, baka gusto mo akong makita?" tanong niya.

"Kailan ka pa nakabalik?"tanong ko sakanya habang papasok sa kotse ko.

"Last day lang , miss ko na kasi yang kasungitan mo eh. Ow btw nagkita na kami ng step-sister ko and she's still masungit like you ha!"

"Ahh nagkita na pala kayo ni mama , buti hindi nagka-gyera?" tanong ko pa. Nagmaneho na rin ako papunta sa mansion to see her.

"Well , hindi naman but still haha you're mother is homophobic pa rin ha." natawa nalang din ako and at the same time ay nawala ang ngiti ko.

Kapag nalaman ni mama na may gusto rin ako sa babae , hindi ko nalang alam kung gusto pa niya akong maging anak.

"Papunta na ako diyan , let's talk later."

My Everyday Life With You (On Going)Where stories live. Discover now