CHAPTER 5

31 0 0
                                    

FLIRTING

I'm already lying in bed but I still don't feel sleepy, dalawang oras na ang nakalipas after ng dinner namin ni Pax.

Our dinner was simple but memorable to me, gumawa sya ng bonfire sa tabi ng baybayin at naglatag ng banig para may paglagyan ang mga pagkain namin.

Ang banayad na alon ang nagsilbing musika at ang buwan ang nagsilbing tanglaw sa aming dalawa. For some reason, what we shared was a romantic dinner.

I was expecting na romantic dinner ay ang nakasuot ng sexy, elegant white or black dress sa isang mamahaling restuarant na may flute na tumutugtog sa amin habang kumakain kami ng mga pang-mayamang pagkain at bilang na servings.

Our dinner was not as romantic as any of the typical ones I see on TV shows and among the rich in society. For me, a romantic dinner is not in a five star hotel, not in the long car you rode in, not in the elegant dress you wore, not in the numbered servings of food. But, with who you are with.

"This is my first experience to dine in this kind of ambience"

Sabi ko sa kanya ng makaupo na ako sa banig na inilatag nya, i feel so comfortable to be honest.

"Ok lang ba talaga sayo na ganito lang?" in his worried tone.

Nahihimigan ko ang pag-aalala nya na baka hindi ko magustuhan ang set up nya, actually ang cute nga e. Hindi ko alam na may itinatago pala syang romantic side sa kabila ng pagiging seryuso nya at intimidating. But tonight ay parang ibang Pax ang nakita ko, maybe hindi ko pa talaga sya kilala.

And yes, hindi ko pa talaga sya kilala kung sino sya? Anong real name at paano nya nakilala ang parents ko? Kung bakit ganito nalang ako ipagkatiwala nila sa lalaking istranghero sa akin?

Even though I want to ask the questions in my mind that have been running for a long time, I put them aside first just to enjoy this night where in fact, there's many more days in the coming days.

"Anong ano lang? Nagpalaot ka pa kaya para lang sa dinner na'to tapos nila-lang mo lang?" I said pouting.

I don't want to underestimate kung ano man ang ginawa nya, kase  for me everything he does is not mediocre.

Mahina sya na tumawa sa sinabi ko. Well, i'm just being honest.  Kumain na kami at una nya muna akong hinimayan ng mga ulam since na seafoods kami tonight  and we eat with our hands.
Tinuruan nya pa ako kase hindi ako marunong knowing i grew up with golden spoon in my mouth i think is understandable na hindi ako natuto. But mas masaya at masarap pala talaga kumain ng naka-kamay.

"Alam mo, sa ilang buwan na pag stay ko dito ay marami akong natutunan"  i opened the conversation.

Tapos na kami magdinner at naka upo lang kami sa harap ng bonfire while sipping our coffee and to digest what we ate.

"Na realized ko na ang sarap pala mamuhay ng simple lang, yong magtatrabaho ka para maka survive at kuntento ka na sa buhay mo kase nang nasa Manila ako. I have everything in just one snap of my fingers but I can't be satisfied and I'm always looking for something, there's always something missing so the tendency is hindi ka masaya, hindi ako masaya"

I said full of honesty.

Nakatingin lang sya sa akin habang nagsasalita ako, at nakikita ko sa liwanag ng buwan kung paano nya ibigay ang dalawang tenga nya sa akin.

He didn't interrupt me and just let me talk, I feel like he's a good listener rather than being a speaker. And one of the things I like is being listened to. No questions, no judgment, just listen to my endless stories even if it's just over and over again.

FALLEN LEAF:  SEASON OF LOVE 1Where stories live. Discover now