Chapter 10: Tight

Start from the beginning
                                    

"Dapat tatawagan kita. 'Yung limited edition na shoes na gustung-gusto mo? I was able to buy it. Pasensya na at hindi umabot sa birthday mo kasi ngayon ko lang nagawan ng paraan. At saka nagpadala rin ako ng paborito mong pastillas na gawa sa gatas ng kambing. Dumayo pa akong Cavite at muntik na akong maligaw. Si Henry kasi hindi ako sinamahan—"

"Bren..."

"Brooke, what's wrong? Are you crying? Is everything okay?"

"Bren, I'm so sorry..."

"What happened, Brooke?"

"Sorry..."

"Brooke, kinabahan na ako rito. Tell me what's wrong."

"Bren, kasi..."

"Nag-away na naman ba kayo ng mom mo—Brooke, tama na ang iyak. Hindi ka pa ba sanay sa Mommy mo? Pinipilit ka pa rin ba n'yang hiwalayan ako? Did she cut off your allowance again?"

"Bren..."

"Don't worry, ako na ang bahala. Magpapadala ako kahit magkano ang kailangan mo. Tiis-tiis lang, okay? Malapit ka nang magtapos, two years na lang. We will get married as soon as you graduate—"

"Bren, I'm pregnant...kaya ako tumatawag sa'yo because...because I can no longer hide my pregnancy...and kailangan ko nang umuwi muna—"

"I'm sorry but you're what?"

"Buntis ako."

"How the hell are you pregnant when we have not done it yet?"

"Kaya ako tumatawag ngayon para i-explain sa'yo—"

"Explain what to me exactly?"

"Why, I'm in this situation—"

"I know how babies are made, Brooke. Hindi ako tanga!"

"Hindi ko sadya—"

"Did he force himself on you?"

"No, but—"

"So, pumayag ka?"

"Bren, kasi nag-away tayo n'un 'tapos—"

"Nag-away tayo? Mahaba na 'yung tatlong oras na hindi tayo nagkakabati kasi ako ang nanunuyo at nagmamakaawa sa'yo! Tatlong oras, Brooke! Sa tatlong oras na 'yun nalungkot ka at nabuntis ka ng iba?"

"Bren, please—"

"Ilang buwan na 'yan?"

"S...six..."

"Six months? Ibig sabihin n'ung umuwi ka rito four months ago for your sem break ay buntis ka na n'un? N'ung panahong 'yun na palagi ka na lang naghahanap ng away ay meron nang iba?"

"Bren, I'm really sorry. Pero, hiniwalayan ko na s'ya—"

The sound of my phone ringing brought me back to the present.

I shook my head to clear my thoughts. "Anong meron, Bren, ay biglang kung anu-ano na lang ang naaalala mo?" I asked myself before answering my phone. "Hi, Mrs. Moore..." I said over the phone.

"Okay ka lang ba?" I heard my girlfriend ask.

"Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging okay?"

"Baka kinakabahan ka d'yan, huminga ka munang malalim."

I laughed softly. "Tama ka, kabado nga ako. Wala naman sigurong baril ang Daddy mo, ano?" I kidded.

"Meron," Eira replied.

"Shit, hindi nga?"

She burst out laughing. "Meron nga. Marunong nga akong bumaril, eh. Dad taught me and Mom," she said. "Bakit, Mr. Moore, natatakot ka bang barilin ka ng Daddy ko?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

InkedWhere stories live. Discover now