Chapter 1

17 1 0
                                    

Chapter 1

"So class this is your final exam for this semester and I hope that you will do your best to passed it, okay?" sabay sabay naman kaming tumugon ng mga kaklase ko at nagsimula nang magtayuan yung iba upang lumabas dahil sila yung batch 2 ng examination.

I turned my gaze to Archelle and she's busy tapping her fingers on her desk, the side of my lips rose, ha! She really had no idea na hindi siya kasama sa batch namin ngayon?

"Uh, Miss Villarmente? Why are you still here?" Miss Padilla asked her while holding the test papers that she's going to distribute for us.

Her lips parted and she looks clueless, maybe she's expecting na kabilang siya namin ngayon. Naitikom ko nalang ang bibig ko para pigilan ang nagbabadyang pagtawa ko. She glared at me and I know that she's been murdering me on her mind.

"H-Hindi po ba ako kasali sa mag-eexam ngayon?" she pouted, natatawa nalang si Miss Padilla sa kanya dahil sa kagagahan niya.

"Your surname starts with letter V, and yung batch 1 na siyang mag-eexam ngayon ay hanggang letter M lang. Kasama ka sa batch 2 hija." paliwanag ulit sa kanya ni Miss kaya tumayo na ito upang lumabas ng room.

Bahagya niya pang sinipa ang paa ko kaya lihim ko nalang siyang tinaasan ng middle finger. Sinundan din siya ng tingin ni Florian bago muling binalik ang atensyon sa hawak niyang lapis.

"Okay, so you have one and a half hour to finished this exam. Goodluck." nagsimula na siyang mamigay ng test papers, hiwa hiwalay din ang mga upuan dahil isa siya sa major naming subject.

We're taking Bacherlor of Arts in Communication at kahit nasa second year palang kami nila Archelle ay excited na kaming makagraduate dahil ang pinakagoal namin after graduation ay makapasok sa isang media company.

But for now, nothing is certain. Ang tanging sigurado ko lang ay babagsak si Archelle dahil palagi itong lihim na natutulog sa klase ni Miss, bibilib na ako sa babaeng 'yon kung makakalahati siya ng score.

Nasagutan ko naman nang maayos yung exam at natapos ko ito ten minutes before the maximum time na binigay samin ng professor. Pansin kong nagpapahinga nalang din si Florian dahil tapos na siyang sumagot. A couple of minutes passed by ay lumabas na kami ng room dahil batch 2 na ang mag-eexam.

"Aba ginoong Florian, ako'y bigyan mo ng katalinuhan." sumalubong sa amin si Archelle na namumutla habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Florian.

"Humawak ka rin kay Elvira para sanib pwersa." walang ganang tugon nito kaya agad ko namang naramdaman ang kamay niya sa 'kin, mukha tuloy kaming tanga sa gitna ng hallway.

"Tanga pasok na! Ikaw nalang natitira dito." ani ko, nakailang sign of the cross pa siya at kumaway samin na para bang namamaalam bago tuluyang pumasok sa room.

Dumiretso nalang kami ni Florian sa open field nitong university para tumambay saglit dahil mamaya pang 11 AM ang susunod naming exam at sabay sabay naman na kaming magtitake doon.

Thank God that we survived our examination today at nagmukhang lantang gulay si Archelle habang naglalakad kami patungong canteen. Mamaya pa namang alas dos ang pasok ko sa restaurant kaya may isa't kalahating oras pa ako bago magsimula ang shift ko.

Sa tuwing kumukuha kasi ako ng schedule ay pinipilit kong makuha ang slot na hindi lalampas ng alas dose, pinagkakasya ko lahat ng subject ko in that short span of time. Kaya on a daily basis, I have no vacant time dahil tuloy tuloy ang pasok ko.

Sa mga major lang naman kami magkakasama ni Florian at Archelle, kasama ng isang minor subject kanina na siyang tinake namin, the rest ay iba na ang schedule ng dalawa sa akin.

Walk Among the WarpWhere stories live. Discover now