CHAPTER 3 <3

214 5 1
                                    

CHAPTER 3

 Daniel’s POV

            ‘Muli na namang nagwagi ang diablo’

            ‘Muli na namang nagwagi ang kadiliman’

            ‘Muli na namang nabuhay ang aking pag-asa na mapatay itong mga abnormal na mga taong ito at mabigyan nang katarungan ang pagkamatay nang aking ama at ang pagkawala nang aking kapatid”

            Patuloy ang paglalakbay ko para hanapin ang panibagong alaga nang Diablo. Panibagong dagdag sa aking koleksyon. Nabalitaan kong isang babae itong aking hinahanap at kakaiba daw ang kapangyarihan niya sa lahat dahil binenta niya ang kanyang kaluluwa mismo sa hari nang mga demonyo. Bibihira lang maganap ang ganitong mga pangyayari, sa katunayan una ito sa kasaysayan na ang Diablo ang mismong kumuha nang kaluluwa nang isang tao. Kalimitan kasi, ang mga mas mababa na rango lang sa kanya ang laging kumukuha nang mga kaluluwa.

Ano naman ang plano nang hari nang kadiliman? Ano na naman ang balak niyang kasamaan? Mga palaisipan ko ngayon habang binabaybay ko ang kabundukan upang hanapin itong babae na ito kung saan siya ang magiging susi upang malaman ko ang katotohanan. Anong meroon itong babae na ito at bakit tila mahalaga siya sa Diablo? Ano ang kakaiba sa kanya na mismong ang hari pa nang mga demonyo ang kumuha nang ibinenta niyang kaluluwa?

Bakit ba kasi ganoon na lang kabalis mauto ang mga taong ito? Hindi ba nila alam ang mga kapalit at parusa nang mga ginawa nila? Hindi ba nila alam kung ano ang mga mangyayari pagkatapos nilang ibigay at ialay ang kanilang kaluluwa sa isang demonyo na kailanman ay hindi dapat na pinagkakatiwalaan.

Diba ngat sinabi sa biblia na ang demonyo ay dumating upang pumatay, magnakaw, at manira nang buhay? Bakit nagagawa parin nilang gawin ang mga bagay na ito lingid sa katotohanang kapahamakan lang ang kanilang kahihitnatnan. Mga makakasariling tao. Mga gahaman at mga walang pag-asa sa buhay. Ito ang mga ugali nang mga taong ito. Mga salot sa mundo.

Mga peste….

Sinabi nang aking ama na kaya nila nagagawang ibenta ang kanilang kaluluwa sa mga demonyo ay dahil sa pera, kasikatan at katanyagan, pero dito mo lang ba masusukat ang iyong kaligayahan? Ito lang ba ang mga bagay na ipagpapalit mo sa kaluluwa mo na unti-unting sinusunog sa impyerno? Ito lang ba ang mga dahilan mo upang ibigay ang pinaka  mahalagang bagay sa buhay mo at ito ay ang kalayaang mabuhay nang payapa at talisay?

Pero sa kabila nang lahat nang galit ko sa mga taong ligaw na ito , hindi ko parin makakalimutan ang pag kawala nang pinakamamahal kong ate. Siya ang dahilan kung bakit pa ako humihinga ngayon. Nagawa niyang ipagpalit ang buhay niya para sakin. Kahit na anong galit ko sa mga ligaw na ito. Alam ko namang mga tao rin sila dati na naubusan lang nang pag asa.  Pag asang mabuhay at pag asang muling magkaroon nang kalayaan.Naubusan nang pagpipilian dahil nasa bingit nang kamatayan ang kanilang buhay o ang buhay nang taong mahal nila.

Ako si Daniel, anak nang isang Hunter. Oo,  mahirap mang paniwalaan pero totoo itong sinasabi ko. Hindi kami mga ordinaryong hunter lang na pumapatay nang mga hayop sa gubat. Kami ay sinanay at hinasa na parang isang matalim sa espada upang magamit sa pag putol ng mga plano nang kadiliman.

 Katulad nang aking ama, trabaho kong hanapin ang mga taong ginagawang alila nang mga demonyo sa pangunguna nang kanilang hari na si Diablo, dahil una’t sa lahat, sila ay mapanganib. Wala silang ginusto kung hindi unti unting parusahan ang mga tao sa pamamagitan nang kanilang pang lilinlang at pag sisinungalin. Isang halimbawa na dito ang ginawang panlilinlang nang ahas sa unang ama't ina natin.

Para sakin,ang pagkamatay nang ama ko ang nag udyok upang ipagpatuloy ang trabahong ito. Gusto kong bigyan nang katarungan ang pagkamatay nang aking ama sa pamamagitan nang pag-dakip at pag patay nang mga alagad nang demonyo dito sa mundo. Pangalawa sa aking dahilan ay ang paghahanap ko sa aking ate na dinakip nang isang demonyo upang gawing alila nang kadiliman.

To Heal The F*cking Heart Wound (DARK KathNiel Lovestory) O N - H O L DWhere stories live. Discover now