CHAPTER 7 <3

151 3 2
  • इन्हें समर्पित: Dhea Mrtlno
                                    

CHAPTER 7

Kathryn POV

 Galit.

Ano ba ang bagay na kapag ginawa ko ay ikakagalit mo ng sobra?

Kapag ba pinatid kita tapos hindi na nga kita tinulungan, tinawanan pa kita, ikakagalit mo ba’yun?

Kapag pinunit punit ko yung pinag puyatan mong assignment, magagalit ka ba?

Malamang magagalit ka nang sobra. Magagalit ka dahil hindi mo gusto yung ginawa ko. Magagalit ka dahil nasayang yung isang bagay na pinag tuunan mo nang pansin.

Pero ang tanong lang, anong gagawin mo sa akin oras na magalit ka ng sobra? Mumurahin? Sasapakin? Sasabunutan? Kakalmutin?

Galit ang isa sa mga bagay na mahirap kontrolin. Dahil oras na magalit ka, nagagawa mo yung mga bagay na hindi mo inaakalang kaya mong gawin.

Galit na nagiging dahilan para ikaw ay magwala, sumigaw, at manakit. Galit na kapag nawala ay panghihinayang kapalit.

Galit na mapanira..

Galit na sumisira nang tiwala at pagmamahal…

Minsan naman ang galit ay nagiging susi.

Susi upang magising ka sa katotohanang kaya mong gawin ang isang bagay na hindi ordinaryo.  Susi na magbubukas nang iba’t ibang kakayanag tutulong sayo. Kakayanang magagamit mo sa oras nang pangangailangan

Galit na magiging dahilan para bumukas ang mata mo sa ibang dimensyon nang katotohanan...

Sobrang kapal nang tension ng kapaligiran ngayon. Yung pakiramdam na nasa isang sitwasyon ka na hindi mo alam ang susunod mong gawin.

Yung pakiramdam na parang nasa isa kang mataas na lugar at hindi mo magawang tumingin sa baba dahil takot sa matataas na lugar.

Ito yung nararamdaman ko ngayon.

“Ikaw ang tagapagligtas Kathryn” Ang bulong  sa akin ni Enrique.

Huh? Bakit ako ang magiging tagapagligtas? Ano na naman ba to?

“Ibigay mo na siya samin Kimmie kung ayaw mong mauwi pa’to sa sakitan. Alam mo namang hindi mo kami kakayaning apat eh” Mga pang aasar ni Michael na dahilan para tumawa yung mga kasama niyang lobo.

“Haha. Talaga lang ah? Kahit anong gawin mo Michael hindi mo makukuha samin si Kathryn. Mamamatay muna ako bago mangyari yung gusto mo” Pagalit na sinabi ni Kimmie.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil magagawa ni Kimmie na iligtas ako kahit kapahamakan niya yung kapalit. Ganoon ba talaga ako kahalaga dito?

“Bakit ba ang tigas nang ulo mo Kimmie? Kapag binigay mo samin yan, tapos na ang gulo. Gusto mo bang  saktan kami na mga kauri mo?”

“Kapag binigay ko sa inyo si Kathryn hindi lang gulo ang mangyayari Michael kaya kung ako sa inyo, hayaan niyo na siyang gawin yung dapat niyang gawin para matangal na itong sumpa sa’tin”

“Sumpa? Hahaha. Hindi mo ba gusto yang mga kakayanan mo Kimmie? Isa ka sa pinaka magaling at mahusay na diwata dito sa Pandemonium tapos magagawa mong sabihing sumpa yang binigay sayong abilidad?”

“Hindi ko’to ginusto Michael alam mo yan! Ou nga, may kapangyarihan ako pero kahit kailan hindi ko’to pinangarap! Hindi ko pinangarap maging isang abnormal!”

Kung ako naman din ang tatanungin. Ayoko din nang ganitong kapangyarihan dahil una’t sa lahat ito’y hindi normal. Pangalawa, katulad ni Kimmie, hindi ko’to ginusto. Kaya kung ako yung papipiliin mas gugustuhin ko pang maging normal kagaya nang dati.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Apr 19, 2013 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

To Heal The F*cking Heart Wound (DARK KathNiel Lovestory) O N - H O L Dजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें