Prologue

1K 15 14
                                    

"To Heal The F*cking Heart Wound"

Prologue:

Bakit sa daming taong makakaranas ng paghihirap, ako pa? Kung bakit? Hindi ko rin alam. Para sakin hindi ko alam kung saan patungo ang takbo ng buhay ko. Ang gusto ko lang naman ay yung mamuhay ng simple at tahimik. Yung bang buhay na walang problema at gulo.

Minsan nga iniisip ko na tapusin na yung buhay ko kaso hindi ko magawa. Siguro natatakot akong masaktan? pero imposible, halos buong buhay ko puro sugat pasa ang abot hindi lang ng katawan ko pati narin ang puso ko. Sa dami na nangyari sa buhay ko, hindi ko na magawang umiyak. Hindi ko na magawang tumawa, hindi ko na magawang ngumiti. Ou nga, tama ka. Manhid na ako. Parang sa dami nang patong patong na problema hindi na makaya ng utak at katawan kong tangapin lahat.

Minsan nga iniisip ko kung meroon ba talagang diyos? Kung totoo man siya, nasaan siya nung mga panahong kailangan kong ipag tangol ang sarili ko sa ama kong ma pang abuso? nasaan siya nung kinukulong ako sa loob ng isang madilim na kwarto at hinahayaan na unti unting mamatay? nasaan siya nung pinag sasamantalahan ako nang mga taong tinuring kong pamilya? NASAAN SIYA?

Pero sa gitna ng lahat. Hindi parin ako sumusuko. Hindi ako tumigil na lumaban dahil alam kong meroon pang bukas na dadating. Kahit kailan hindi naubos yung pag asa kong makakawala sa impyernong ito. At nangyari nga ang matagal ko ng hinahangad na kalayaan.

Kalayaang kahit kailanman ay hindi ko inaakalang makakamtan. Kalayaang buhay ko ang kapalit. Kalayaang nag bago sa takbo ng buhay ko...

Ako si Kathryn, at ito ang storya ng buhay ko...

To Heal The F*cking Heart Wound (DARK KathNiel Lovestory) O N - H O L DWhere stories live. Discover now