"Aquilo , masakit." bulong ko sakanya pero hindi siya sumagot at pinatahan lang ako. "I should forget it." patuloy ko pa.

Para akong pinipiga , kahit alam kong malabo naman talagang magkagusto saakin si miss ay tinuloy ko pa ring gustuhin siya.

"Tara na , ihahatid na kita sa bahay niyo mamayang uwian." bulong niya saakin at naramdaman ko pa ang paghalik niya sa noo ko.

"Thank you Aquilo." i muttered.

"I love you Raven." mahinang sabi niya kaya hindi ko masiyadong narinig.

"Tara na." kumalas na ako sa yakap niya at naunang maglakad.

May isang subject pa kami ngayon ni beatrice , nasa classroom na ako at hinihintay nalang namin ang professor namin sa PE.

"So , what happened?" tanong ni beatrice saakin.

"Wala beat , I just realized na malabo talagang magustuhan ako ni miss. So i choose to stop chasing her." paliwanag ko at agad naman siyang sumimangot.

"Tama yan, let her go nalang. Tsyaka nandiyan naman si Aquilo at Jiro. Mamimili ka nalang dzaii." saad niya habang kumakain ng polboron.

"Sana may matutunan akong mahalin sakanila." tugon ko sakanya.

Dumating na rin ang PE prof namin at mukhang walang dalang libro ito. Mukhang may sasabihin lang.

"So guys , wala tayong gagawin ngayon. We are going to plan the upcoming event of our school. May magaganap na Sport fest sa April 3 ,4 ,and 5. So you are invited na sumali sa mga sport na gusto niyong salihan. Lumapit lang kayo kay Aquilo Reyes from Engineering department. He's a SSLG office." diskusyon ni Sir Walter.

"Sir may sport daw bang pagalingan mag-assume?" bigla namang tanong nung isang classmate namin.

"Wala, hindi kayo pwedeng mag-assume kung malabo naman." sagot ni sir na inasar nila.

Parang ako lang yung pinapatamaan ah.

"And yung iba sainyo, kung wala kayong sasalihan. Kindly plan your booth." Sir Walter added.

"What if wedding booth?"

"Mas maganda yung message booth dzai , para may makapag-confess diba?!"

"Oo nga naman , marami pa namang manhid magsabi ng nararamdaman!" sigaw naman nung isa.

"Or prison booth nalang, ikukulong yung mga lovers sa loob for 1 hour!"

"Bakit di nalang kayo gumawa ng lahat nang iyon, nahiya pa kayo eh." sabat ni sir na tinawanan nila.

"Eh nagsu-suggest lang naman kami sir HAHAHA." sagot ng isa.

"Eto last suggest , bakit di nalang kayo gumawa ng Movie booth. Gagawa kayo ng movie niyo, at yun ang papanoorin nila." suggest ni sir saamin na agad namang kinamanghaan ng lahat.

"Maganda nga yun sir , tutal magaling si Jerome sa Filming sir , at si Vien magaling gumawa ng story , tapos may mga magaling din naman dito umarte." sabat ng isa.

"Oo nga ano? Mas maganda yon!"

Sang-ayon ng iba sakanila. Habang kami ni beatrice ay tahimik lang at nakikinig sa mga sinasabi nila.

"May 3 weeks pa kayo para gumawa ng film , siguro mga 1 hour yung gagawin niyong video para mas mahaba ang papanoorin nila." sir Walter said.

"Sige sir , paghahandaan na namin yan." tugon ng isa sa mga pinakamagaling sa klase.

"Okay , aalis na ako. Plan well guys!"

"Bye sir!"

Nagsimula silang tumahimik at pumunta naman sa harapan si Sajin , one of the genius in our class. Parang president na rin ng block namin ganon.

"So first na plaplanuhin natin is yung magiging takbo ng story, Vien do you think anong maganda genre?" tanong ni sajin kay vien.

"Well, as I observed lang ha. Maybe we can caught girls attention kapag girl love girl ang ginawa natin."

Bigla namang umepal yung mga lalake at nagreklamo.

"Bakit babae at babae yung bida , diba dapat babae at lalake?" someone asked.

"Hello , hahatiin natin sa dalawang grupo ang block na to. Para dalawang movie ang pagpipilian nila." sajin said and she flipped her hair.

"Start na to count 1 and 2." utos ni vien na nasa tabi na rin ni sajin.

Nagsimula na kaming mag-biglang at kamalas-malasan parang naghiwalay kami ni beatrice.

"Of course hindi na ako kasali diyan and yung iba because my iba pa silang gagawin. But sajin is in." Vien said.

1 ako tapos si beatrice 2 . Kainis.

"Yey saamin si beatrice , horror na gagawin natin!" sigaw ng isang lalaki.

"Shut up idiot , kung si beatrice yung multo pwes ikaw yung lamang lupa." sajin shouted to the boy.

"Narinig mo yon raven, pinatanggol niya ako." bulong ni beatrice saakin.

"Oo narinig ko." bulong ko rin sakanya.

"So who's number 1?" vien asked.

Nagtaas ako ng kamay at pati na rin si Sajin na nakatingin na saakin ngayon. May Lima rin kaming lalaki at ang iba ay babae na. 19 kami sa isang grupo habang sa kabila ay 20 sila. Hindi na kasali yung apat na magiging director kunno at mga magvi-video.

"Okay , so I will plan the movie you will act guys. Then tommorow, ibibigay na namin yung mga role niyo." saad ni vien.

Sa wakas natapos na rin pagpa-plano nila sa sport fest and summit. Wala naman akong sasalihan na sport kasi nakakatakot na baka matalo.

Habang nasa hallway kami ay nagpaalam muna si beatrice saakin na magc-cr kaya hinintay ko nalang muna siya malapit sa mga locker.

"Raven!" it's Jiro's voice.

"Oh Jiro bakit?" ngumiti siya saakin at tinapik ang ulo ko.

"Sayang hindi kita ka group sa film , Tayo nalang sana yung bida don haha." umiling nalang ako at tumingin sa kung saan. "Wala kang sasalihan na sport?"

"Wala." tipid na sagot ko sakanya.

"Nakita ko yung mga picture mo sa bahay niyo noon , you're playing billiard at the age of 10."

"Matagal na yon Jiro , simula nung nalaman ko na may deperensya ang mata ko tumigil na ako. Kasi kung hindi ko naman maaninag ng maayos ang bola , walang papasok." paliwanag ko sakanya.

"Ahh , I see raven. I'm sorry ,don't panoorin mo nalang ako sa laro namin. Basketball yung sport ko eh." tumango ako sakaniya at ngumiti.

"Teka ako rin!" sulpot ni Aquilo sa kung saan. " Sinosolo mo na naman si raven , gahaman ka. Raven ako rin , watch me sa laro ko. Basketball din."

"Mukhang magkakalaban din kayo sa basketball ahh."saad ko sakanila.

"Tsk , mas magaling ako kasi ako yung captain." Jiro said.

"I'm the captain too in my team." Aquilo.

At nagpayabangan pa sila ah.

Dumating na rin si beatrice kaya iniwan na namin yung dalawa.

My Everyday Life With You (On Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt