Mrs. Arceo is a member of law enforcement agency, in particular, she's a detective.

Lumipas ang ilang linggo, sa angking galing ni Mrs. Arceo sa pag-imbestiga, may natuklasan siyang mga bagay na hiniling niyang sana hindi niya nalang nalaman.

Pagkauwi niya sa bahay nila ay saktong nakita niya ang kaniyang anak na lalaki. Nalulungkot siyang lumaki itong wala gaanong kaibigan, pagkakita palang ng bata sa kaniya ay agad na siya nitong niyakap ng mahigpit.

"Sid, I bought you new toys!" Masiglang saad ng ina sa anak, pinupunasan nito ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya. Hindi mapigil ang pagbuhos ng mga luha nito dahil alam nitong hindi na ligtas ang buhay niya, hinihiling nalang niyang sana hindi madamay ang kaisa-isang anak niya.

Hindi nagtagal ay nangyari ang kaniyang inaasahan...

"The world is horrible, Sid, and I hope you won't become one of them.."

[End of Flashback]

Pagdilat ng aking mga mata ay siya namang pagbungad sa puting kisame, ngunit kakaiba iyon at hindi katulad nung sa kwarto ni Hans. Hindi ko pa man naigalaw ang aking katawan ay nakita ko na agad si Dad, nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagkakataong ito, alam kong walang makakapanakit sa akin.

Bakit ba ganoon nalang palagi ang panaginip ko? Isa ba iyong babala? Pahiwatig na hindi talaga dapat pagkatiwalaan si Hans?

Pagkakita palang ni Dad na gising na ako ay agad siyang lumapit.

"Are you hungry? What do you need?" Sunod-sunod ang mga tanong niya ngunit tila nangangalay pa ang aking buong katawan nang sinubukan ko itong galawin. "Relax, relax. You don't have to move, just... Let your body rest." Dagdag pa ni Dad kaya hindi ko na pinilit.

"Where's Hans?" Hirap man ngunit iyon ang unang isinambit ko. Hindi ko alam pero gusto ko paring malaman kung nasaan siya. "What happened?" Kumunot naman ang noo ni Dad.

"You got hit by a car. Anyway, who is that Hans?" Hindi pa man ako nakasagot ay nagulat ako nang biglang may batang lalaki na pumasok sa room ko at masiglang sumigaw.

"You're awake now! Yay! I was the one who took care of you all day long throughout that 5 days na u were just comfortably sleeping. Now that you're awake na, I want you to make bawi! Oops, you can't pa pala kasi you're not healed yet, okay I can wait." Habang sinasambit niya ang mga salitang iyon ay naglakad-lakad siya sa buong sulok ng kwarto ko. Tumingin naman ako kay Dad nang may nagtatakang mukha.

"Don't tell me, anak mo 'to sa labas?" Bago pa makasagot si Dad ay agad nang tumugon ang bata na nakabusangot ang mukha.

"No! I. Am. Your. Neighbor!" Sagot niya sabay ngisi nang malaki. Bigla kong naalalang nasa hospital nga pala ako at hindi ako mag-isang naka-confine dito.

"I'll buy some foods sa labas, what do you want?" Tanong ni Dad, ramdam ko paring hindi kami okay pero ramdam ko rin namang nag-aalala siya sa akin.

"Anything." Pagkalabas niya ay diretso namang tumalon ang bata sa kama ko dahilan para mamilipit ako sa sakit dahil natamaan niya ang braso ko kung saan ako lubhang natamaan sa pagkabundol ko.

His Favorite CrimeWhere stories live. Discover now