"Don't worry, pipigilan natin ang kasal na yan. I'm into girls. I'm gay too." his eyes widened at bigla siyang humawak sa kamay ko.

"Siguradong ayaw ng mama at papa mo , at ako rin. Baka mapatay ako kapag sinabi ko kay papa." nakaramdam din ako ng takot sa sinabi ni tristan.

"So anong gagawin natin?" tanong ko sakanya.

"Maybe , let's pretend na tayo. Then kunwari maghihiwalay tayo kasi nag-away tayo." he has a point.

"Okay , let's do it." tumango naman siya at uminom sa kape niya.

Raven pov.

Nasa labas kami ngayon ni kuya , namamasyal. Si papa naman nasa parking lot pa at may kausap.

"Saan ba gusto mong pumunta, kanina pa tayo lakad ng lakad eh." reklamo ni kuya saakin.

"Sumunod ka lang saakin."my kuya sighed and i know nababagot na siya kakasunod saakin.

"Teka lang ,naiihi ako." saad ni kuya at pinahawak saakin ang isang paper bag na binili ko.

"Bilisan mo ha?!" tumango lang siya at tumakbo papunta sa kung saan.

Naghanap muna ako ng malapit na bench para maupuan. Kinuha ang cellphone ko at kumuha ng mga litrato sa paligid.

"Ang ganda." bulong ko.

Tinignan ko ang litratong kuha ko and i didn't expect to see something in it.

Tumingin ako sa isang table , sa harapan ng isang coffee shop. It's miss Stella with Tristan.  Tumayo ako at tinitigan sila maigi.

Malayo naman ako sakanila at alam kong hindi nila ako makikita. I felt a little pain to my chest.

Ilang minuto pa akong nakatingin sakanila. Miss stella looks so happy with Tristan. They're laughing each other. Nakasimangot lang ako habang nakatingin sakanila, and now i realize that her standard is so high.

Pero bakit niya ako namimiss kagabi? Bakit siya tumawag?

Binibigyan mo lang ba ako ng mix signal miss?

Mix signal na ang ibig sabihin ay hindi mo ako magugustuhan?

Nagulat nalang ako dahil may tumulong luha sa mga mata ko. Tinalikuran ko nalang ang pwesto nila at umupo ulit sa bench.

Someone standing in front of me.

"Hey are you okay?" he hand me a handkerchief, i turned my gaze to him. He's like an angel.

"Thank you." tumango lang siya at tinitigan akong gamitin ang panyo niyang pinahiram sakin.

"Heart broken?" umiling ako sakaniya at ngumiti.

"Hindi , okay lang ako." He kneel in front of me at tinali ang sintas ng sapatos ko.

"Lagi kitang nakikita sa school, im trying to communicate but i can't." nagulat ako sa sinabi niya.

"Di naman ako nangangagat eh." tugon ko.

"I know , btw I'm Aquilo Reyes." pagpapakilala niya saakin.

My Everyday Life With You (On Going)Where stories live. Discover now