15

38 1 4
                                    

Loren's POV....




Nagising naman ako na masakit ang tiyan ko. And naka bangga yung sasakyan namin sa may poste at may mga puno. Yung sanga nung isang puno naka pasok pa sa side ni Ysa.

Basag na rin ang side window nya.

"Ysa? Wake up baby." Pag tapik ko pa kay Ysa. "Manong? Wake up manong?" Sabi ko rin kay manong. They're unconscious.

'Ako lang ba naka ligtas?' Bulong ko pa sa sarili ko.

Tumingin pa ako sa mga binti ko ang daming dugo.

"H-hindi! Yung baby ko." Sabi ko naman kahit ako lang yung may malay sa amin.

Tinatry ko pa rin tapikin si manong at si Ysa.

Unconscious pa rin sila. Sumilip pa ako sa may bintana. Sakto may tao, at may mga taong nakiki ososyo.

Binuksan ko na yung pinto, mabuti na lang hindi naka lock yung sa akin.

"Ma'am, sir! Tulungan nyo po ako. Tulungan nyo po yung driver ko po at yung anak ko."  Sabi ko pa sa kanila.

Sumilip pa sila sa akin. Nagulat sila at the same time. Dahil sa duguan din ang mga damit ko.

Pero I want to save our baby.
First baby namin ni Lito ito.

"Ma'am, duguan po kayo po. Buntis po ba kayo?" tanong naman nung babae.

"O-opo, kaya tulungan nyo po kami po. Pati yung mga kasama ko po." Sagot ko naman sa kanya.

"Sige po ma'am, labas na po kayo. Aalalayan po namin po kayo. Tatawag na rin po kami nang ambulansya at nang tutulong pa po sa inyo." Sad ulit nung babae.

"Salamat po. Salamat talaga po. Hindi ko po alam paano ko kayo, masu- suklian. Kasi sa dinamirami nang mga marites dito sa labas. Kayo lang po yung willing tumulong." Sabi ko pa sa kanya.

Habang dahan dahang lumalabas nang sasakyan. Hawak hawak ko rin yung ultrasound nang baby namin.

'Kapit ka lang anak. Para sa amin, para sa sarili mo.' Sambit ko pa sa isipan ko.

"Ma'am? Paparating na po yung ambulance po. Dito po muna po tayo. May mga pang sapin po ba kayo po? Grabe po kasi ang dugo sa inyo eh." Sabi pa nung lalaki sa akin.

"W-wala po." Sagot ko naman. "Aray! Ang sakit. Yung baby ko." Sambit ko pa ulit.

Habang umiiyak ako. Iniisip ko ang mga anak ko. Si Lito, sila Ysa, Mark at iba pang anak ni Governor.

"Ma'am? Inhale, exhale po muna po kayo po." Sambit pa nung babae.

Ginawa ko naman ito, pero ang sakit nang tiyan ko talaga. May nararamdaman na naman ako na likido mula sa mga binti ko.

Saktong pag dating din ng mga ambulansya.

"Yung baby ko." Sabi ko ulit. "Si Ysa, si manong." Saad ko pa sa kanila.

"Ma'am? We need to bring you na sa E.R po. You're so much in bleeding po." Sabi pa nung isang Aid doon sa ambulansya.

"P-paano po yung anak ko pa po sa sasakyan po? Si manong po?" Tanong ko pa sa kanila. Tumingin din ako doon sa mga tumulong sa akin.

"Mommy? Our other medics and hospital staffs will take care of them po. We need to bring you na po sa E.R or much better sa O.R. You're pregnant po. Possible po na namatay na po sa loob nang matres nyo yung baby. It will also affect your health po madam senator." Sabi ulit nitong nag mamagaling na medical aid and staff na ito.

"Hindi, buhay itong baby ko. Napaka tabil nang dila mo. How dare you to say that to me." Saad ko pa sa kanya.

"Yung bata dito sa loob nang sasakyan. Napapa libutan na yung mukha at mga balikat nya nang bubog. Possible na pati ang mga mata nya. Dahil nyo na rin ito sa E.R pagka hinto sa hospital." Rinig kong sabi din nung isang medical staff nila.

The Jar Of Our HeartsWhere stories live. Discover now