2

45 1 0
                                    

LOREN'S POV...

Nabo-bored na ako dito kaya I decided to go to studio. Nakakainis lang kasi di naman ako baldado, buntis lang ako. Itong asawa ko, parang di nasanay nung kay Zardo.

"Ma'am?" Saad agad ni manang sa akin.

"Yes?" Sabi ko naman.

"Bawal po kayo lumabas, utos ni sir." Sabi naman nya. Pati ba naman si manang.

"Pati ba naman ikaw manang? Bored na bored na ako dito oh." 

"Hindi nga po kasi pwede madam. Baka ma- paano kayo eh."

"Sus, walang mangyayaring masama sa baby namin. Kayo talaga masyado na ako nakakulong dito."

"Ma'am, kasi po baka po magalit si sir."

"Oh tapos? Tatanggalin ka nya?"

"Po?" 

"Ano nga manang? Bakit di ka makasagot?" Tinitignan ko naman sya, pero yung itsura nya, natatakot.

"Opo ma'am tatanggalin nya po ako."

"I'll take care of this, ibalato mo na sa akin ito. Akong bahala sa sir mo." Sabi ko na lang.

"Eh kaso po ma'am baka kayo naman po mag away?" Sabi naman nya sakin at mas lalo pang natakot. Lumapit naman ako sa kanya, para maibsan yung takot nya.

"Sige na po manang, please po." Kailangan pang mag baby talk pa ako. "Oh ayan manang si baby na nag sabi." Dagdag ko naman.

"Hmm? Sige na nga po baby."  Sagot nya naman, hinimas pa tiyan ko. Sus mag ye- yes din naman.

"Manang?" Hinawakan ko naman mga kamay nya.

"Bakit po ma'am?" Tanong din nya.

"Hmm? Thank you." Sabi ko naman. Ewan ko ba di ko maintindihan sarili ko.

"Ma'am naman, wala po yun. Duda na ako dyan ha." Dudaera din pala itong si manang. 

"Sus, minsan ka lang lambingin manang eh. Sige na nga po aalis na ako." Sabi ko na lang at agad umalis, kahit hirap ako maglakad. 

Ewan ko ba iba yung kutob ko eh, parang may mali. Loren ano ba? 

Tuloy tuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa maka sakay sa sasakyan.

"Manong, sa studio namin tayo." Sabi ko naman. Gulat pa si manong sa sinabi ko. Alam ko pati sya sinabihan na nang asawa ko. 

"P-pero ma'am."

"I know, nag paalam ako kay manang." 

"Paano po si sir?" Hayst puro na lang sila sir.

"Ako na bahala sa kanya.  Sige na manong." Sabi ko na lang. Paulit ulit na lang kasi eh. Halos araw-araw.  

Medyo natahimik na lang yung buong kapaligiran, tama yun ayaw ko kasi ng sobrang ingay.  Naka tingin na lang ako sa may bintana. 

Hindi ko maintindihan, something's bothering me. Basta, sana di totoo mga naiisip ko. May naaninag naman ako sa isang restaurant. Nakita ko asawa ko. May kasamang iba?

'D-darling?' Sabi ko na lang sa isip ko.

"Ahmm? Manong hinto mo nga muna doon sa may kainan na yun." Sabi ko naman.

"Po?" Itong si manong naman.

"Ihinto mo, kakain kasi ako." Bakit ba date ko sarili ko.

"Sige po ma'am. Sasamahan ko pa po ba kayo?" Tanong ulit nya.

"No, hindi na. Just wait me here na lang, I'll buy you some foods na lang." Sabi ko na lang at agad akong bumaba.

Pumasok na lang ako doon sa kainan na yun. Sinusundan ko ng tingin asawa ko. Halos magka dikit na sila nung babae na yun. 

The Jar Of Our HeartsWhere stories live. Discover now