"Tapos gagamutin mo rin?" sabay kaming tumawa ni papa dahil sa mga usapan namin.

Pagkarating sa school ay bababa na sana ako pero , nauna ng bumaba si papa at binuksan ang pinto para saakin.

"Thank you papa." he kissed my forehead again at akmang aalis na pero biglang dumating si miss stella.

Mukhang nagulat pa siyang nakatingin saakin, para siyang estatwa sa pwesto niya kaya ako na ang lumapit sakanya.

"Miss Stella." bati ko sakanya pero mas nauna pa niyang batiin si papa.

"Good morning sir , im raven's professor." nakipagkamay siya kay papa at si papa naman ay tumango lang at nagmaneho na paalis.

"Wala akong good morning miss?" tinignan  niya lang ako at umiwas agad saakin.

Pero hinabol ko siya at humawak sa braso niya.

"Raven.."

"ma'am galit ka ba?" tanong ko sakanya.

"No,I'm not."

"Ayaw mo ba ako na nakalapit sayo?" tanong ko ulit sakanya.

Huminto siya sa harapan ko at napapikit sa pagka-inis na niya siguro saakin.

"Raven , look nasa eskwelahan tayo. Act like a student , not my bestfriend." napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.

Tumango ako sakaniya at tinalikuran na siya.

Siguro naging comfortable lang agad ako sakaniya, na dapat hindi dahil professor ko pa rin siya.

Hindi man lang niya pinansin yung suot ko, tapos yung glasses ko na di ko suot.

Pft.

Habang naglalakad papunta sa block ko ay nagulat nalang ako dahil may mga ilan na nakatingin saakin.

"Siya yung nerd na nadaan minsan dito diba?"

"Ang ganda pala niya."

Ilan yan sa mga naririnig ko.  Pero hindi ko nalang pinansin pft wala pa kasi si beatrice. Wala tuloy akong kasama.

Pagkapasok ko ay bumungad agad saakin ang grupo ni Jiro. Nakatingin na siya saakin at hindi matanggal ang tingin , gaya ng mga student din sa labas.

"Andiyan na siya Jiro oh." tugon ng isang kaibigan niya.

Dumiretso nalang ako sa upuan ko at naramdaman ko namang may tao na sa likuran ko.

"Raven." it's Jiro.

"Hmm?" yun lang ang respond ko sakanya.

"Ang ganda mo ngayon." tumango nalang ako at ngumiti sakanya.

"Salamat."he nodded.

"Sabay tayo sa canteen mamaya?" tumango nalang din ako dahil hindi ko siya napag-bigyan sa last na pag-aya niya saakin.

"Sige." ngumiti naman siya at bumalik sa mga grupo niya.

My Everyday Life With You (On Going)Where stories live. Discover now