Chapter 10 ( The Break Up )

5.2K 84 5
                                    

{ RK's P.O.V }

Andito kami sa park ng campus ngayon

"Hindi ko alam kung anong nagustuhan ng anak ko sayo pero ayoko sayo si Jeff ang gusto ko para sa kanya, at kung talagang mahal mo sya lalayuan mo sya, ikaw na yung kusang lalayo dahil alam mo na pag pinagpatuloy nyo pa yung relasyon nyo, relasyon naming mag ina ang masisira" sabi ng mommy ni Caryl

Wow napaka straight forward naman nito

"Naiintindihan ko po" sabi ko

"Mabuti kung ganun" sabi nya tapos sumakay na sya ng sasakyan

Hinihintay ko si Caryl dumating dito kasi tinext ko sya na mag kita kami dito

pero may class pa sya kaya 30mins pa bago sya makaalis sa dept bldg nya
.
.

biglang may yumakap sa akin

"Babe I miss you" bulong nya

Hinawakan ko lang yung kamay nya alam ko huling beses na to na mahahawakan ko yung kamay nya

"Babe may problema ba?" Tanong nya

Tumayo na ko sa inuupuan ko

Hinawakan ko yung mukha nya

Tinitigan ko maigi

Alam ko ito na yung huling beses na makikita ko sya

Ito yung taong nag mahal sa akin ng totoo

Sya yung taong nag pasaya sa akin sa loob ng isang buwan

"Babe bakit?bat parang naiiyak ka?" Tanong nya

"Thank you so much Caryl, sa love... sa one month...sa lahat" sabi ko

Blanko lang yung mukha nya

"Caryl, we need to end this" sabi ko

"Pero akala ko ba space lang?" Tanong nya

"I'm not the right one for you Caryl, kaylangan na nating tapusin to" sabi ko

Niyakap nya ko ng mahigpit

"Sabihin mo babe na nag bibiro ka lang" sabi nya

"Soon maiintindihan mo kung bakit ko ginagawa to" sabi ko

"Ayoko babe please, ayoko" sabi niya

"Caryl please padaliin nalang natin yung buhay natin pareho" sabi ko

"So mas madali na wala ako?" Tanong nya

"Mas madali na mawala ako sa buhay mo at mas ikakabuti mo" sabi ko

Maya maya lumapit yung mommy nya sa amin

Kaya inalis ko yung pag kakayakap ni Caryl

"Bye Caryl thank you for everything" sabi ko tapos hinalikan ko sya sa noo

Umalis na ko...alam ko hindi ko minahal si Caryl ng buo pero natutunan ko syang mahalin kaya may sakit sa puso ko na iwan sya, siguro naman sasabihin ng mommy nya lahat sa kanya

Dumeretsyo ako sa dept bldg nila Jas

"Ah oh hi RK, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Porti

"Si Jas?" Tanong ko

"Ah uhm ah..." yan lang nasagot ni Porti

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya

Only ONE (gxg)Where stories live. Discover now