Chapter 1 ( Bestfie )

22.1K 216 10
                                    

{ Jasmine's P.O.V }

"Bestfie gising na malalate na tayo first day pa naman ng pasukan" sabi ni RK

si RK nga pala bestfie ko na mahal na mahal ko

Mukha syang boy, naka undercut, tapos matangkad na atlethic yung katawan pano naman kasi lahat na yata ng sport sinalihan nya...ako nako nevermind busy ako sa pag pag tulog...sarap kaya matulog

Hindi kami pareho ng course pero sa iisang university kami papasok, classmate kami sa mga gened subjects

Financial Management kinuha kong course hindi ako ganon kagaling sa math pero tingin ko naman tama yung kinuha kong course

"Bestie pag di ka pa bumangon ikikiss kita kahit di ka pa nag totoothbrush" pangungulit nya

"Oo na gising na, babangon na!Alarm clock ka talaga!" Sigaw ko

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya

"6:08 bestfie" sabi niya sabay ngiti

"Ang aga pa......." sabi ko pero di na nya ko pinatapos kiniss nya ko sa lips

Normal nalang samin yung kiss sa lips pareho naman kaming babae ewan ko lang sa kanya...tska smach lang naman

"Hala bestfie nag blublush ka may gusto ka talaga sa akin" pang aasar nya

Triny ko iayos yung pag sasalita ko para di sya makahalata

"Ang kapal ng mukha mo, labas na ng kwarto RK maliligo na ko" sabi ko

"Sige, hintayin na kita sa baba ha" sabi nya sabay kindat bago lumabas ng kwarto

Ay nakalimutan ko pala mag pakilala inuna ko pa yung landi ko

Ako nga pala si Jasmine Grace Pajela, college freshmen...at sabi nga ng bestfie ko kuripot daw ako...ilokano eh...pero di naman talaga ako kuripot matipid lang

"Kala ko ba maliligo ka na bakit humiga ka ulit?" Tanong ni RK

"Maliligo na, pwede mag hintay?" Tanong ko

Umiling sya tapos tinuro nya yung orasan 6:35am na grabe naman bilis ng oras kaasar

Tumayo na ko sa kama baka kung ano nanaman gawin nya

"Maligo ka na talaga ha, kundi papaliguan na kita" sabi niya

{ RK's P.O.V }

ako nga pala si Rowainne Kylee Quevido Roberts, RK for short

Only child ako magkasama kami ni Bestfie sa iisang bahay kasi naman parehong parents namin nasa ibang bansa yung mama nya at mommy ko mag bestfriends din, si daddy naman sumakabilang buhay na, kaya ito ako ngayon young wild and free, natanggap kasi ni mommy agad na lesbian ako kaya ayun masaya ako...

Nag luluto ako ngayon ng breakfast namin ni Jas

"Hmmmm bango naman nyan" sabi ni Jas

"Syempre luto ko eh pag sayo malamang sunog to" sabi ko

"Napaka judgemental mo sa akin" sabi nya sabay cross arms

"Di bagay sayo, di ka naman chicks" sabi ko

Payatot si Jas pero napakalakas kumain, ako naman kung di mag eexcercise malamang lolobo ako bilis ko kasi tumaba pero mabilis din ako pumayat

"Kayo talaga mamaya nyan magkagustuhan kayo" sabi ni Manang Len

Only ONE (gxg)Where stories live. Discover now