I'M STRAIGHT, AM I?

371 6 2
                                    


ICaitlin POV


Di ko inakala na mamimiss ko pala yung kakulitan niya, pag-aalaga niya and even yung mere presence niya mismo.


Flashback


"Bei tigilan mo na to okay straight ako. So kahit single na ako di magiging tayo."


"Di naman kita minamadali Cait, willing to wait naman ako. Just think about it okay? I really like you."


"Nag-aaksaya ka lang ng time at effort mo just pls stop."


"Fine. If yan ang gusto mo."


Wala na yung hinahatid sundo niya ko kahit alam kong napakatamad mag effort ng taong to pero para sa akin nagagawa niyang mas gumising ng maaga para lang madaanan ako para sabay na kami papuntang training. Yung biglang uupo sa tabi ko makikipaglaro or aasarin ako para makuha yung attention ko. Yung madalas kong mahuli yung mga ilang segundo niyang pagtitig sa akin. Kakulitan niya sa warm up at training. Para akong biglang nalungkot kasi di ko narealize napapatawa niya din pala ko. Siguro nga tama sila marirealize mo lang talaga ang halaga ng isang tao pag wala na sayo.


Madalas dinadaan daanan niya na lang ako ngayon sa practices. Tinatry pa rin naman niyang maging as professional as possible kahit alam kong nasaktan ko siya. I mean I'm straight ano ba ineexpect niya na magically bigla kong magwawagayway ng pride flag. I mean I'm not gonna lie sobrang nakakatouch yung pagkacaring niya and the way she stares di ko maexplain pero di ako nandidiri sa mga titig niya. Haay I know I am only into boys pero bakit namimiss ko siya?


Nung nagPOG siya one time iniinterview siya ng magandang reporter tapos si ate kung makatitig kay Bei parang gustong tunawin. Uy sakin lang yan may pagtingin. Nung marealize ko yung iniisip ko mali mali ano ba yang mga sumasagi sa isip ko. Pero mukha namang mas bagay sila maputi at maganda si ate girl. Lalo akong nalungkot sa thought na yun. Haay ililigo ko na nga lang to. Diretso sa dug out ang peg.


On my way out nakasalubong ko si Bea. Ang lungkot ng mga mata niya nung magtama ang mga titig namin. Parang gusto ko siyang yakapin. At nagulat din ako ng may sariling utak ang katawan ko. At naramdaman ko na lang na niyakap niya rin ako ng pabalik ng mas mahigpit. Gusto ko na lang matunaw sa init ng kanyang mga bisig. Parang nawala lahat ng bumabagabag sa isip ko ng mga panahong yun.


"Forgive me Cait but I have to do this."


Naramdaman ko na lang ang malalambot niyang labi na inangkin ang sa akin. Parang nawala ko sa ulirat at naabutan ang sariling sumasabay sa bawat galaw ng kanyang mga labi animo'y di alintana ang paligid.


"I miss you Bei" Nangigilid ang mga luha sa mga mata ko. Di ko mapigilan nakakainis pero naramdaman kong pinahid niya ang mga ito at humalik sa noo ko.


"I miss you more."


Nung mga time na yun eff the labels basta gusto ko siya kahit babae din siya.


===================================================


AN: 1 oneshot down, last one stored in my notepad pero next month ko pa siguro maupload. Again goodluck CCS and Bea later. Prove the fans wrong na di kailangan ilabas ang mahiwagang calculator.

CAITBEA SPUR OF THE MOMENT ONESHOTSWhere stories live. Discover now