MUSANG

9 1 0
                                    

THE FIRST DICTATORIAL GOVERNMENT

Ayon sa libro gaya ng nakasulat sa unang pahina nito  ay isinulat ko ang lyrics ng pambansang awit na lupang hinirang. 

bayang magiliw
perlas ng Silanganan
Alab ng puso
sa dibdib mo'y buhay
lupang Hinirang
duyan ka ng Magiting
sa manlulupig
di ka pasisiil.
sa dagat at bundok
sa simoy at sa langit mong Bughaw
may dilag ang tula
at awit sa paglayang minamahal
ang kislap ng watawat mo'y
tagumpay na Nagniningning
ang bituin at araw niya
kailan pa ma'y di magdidilim
lupa ng Araw
ng luwalhati't pagsinta
buhay ay langit sa piling mo.
aming ligaya
na pag may mang-aapi
ang mamatay nang dahil sa Iyo.'

Sa pagkakasulat kasi may iilan lang na may nakasulat sa malalaking letra sa unahan ang salita nang kunin ko ito at pagsamahin ito ay ang Silanganan, Alab, Hinirang, Magiting, Bughaw, Nagniningning, Araw, Iyo. Nang kunin ko ang unang letra ng bawat salita, Silanganan, Alab, Hinirang, Magiting, Bughaw, Nagniningning, Araw, Iyo.

S   A   H   M   B   N   A   I 

Na kapag inayos sa pagkakasunod-sunod at binuo ay lalabas ang salitang SIMBAHAN. Kaso natigil kami sa parteng yun dahil kung susumahin at iisipin ko palang kung saang parte dito sa pilipinas ang simbahan na tinutukoy sa clue ay dito palang sa Manila ay higit sa isang daan na ang simbahan.

'May nakalimutan ba ako?'

'May nalagpasan ba akong basahin?'

Muli kong binasa ang lyrics sa libro pero kahit ilang ulit ko itong basahin ay paulit-ulit akong natatapos sa kung saan ay nabubuo ko ay iisang salita lamang. Sinubukan ko pang bumuo ng panibagong salita sa clue na maaaring makatulong at maging bagong lead pero wala, wala talaga. 

"ARGGGHHHH!" Inis kong inilagay sa sentido ko ang mga kamay ko at hinilot ito habang nakapikit habang nakapatong ang dalawang siko sa babasaging lamesa dito sa bahay. Nang hindi na namin maisaayos ang clue kanina sa office ni Tito Cedric at mapunta sa dead end ng SIMBAHAN ay napagdesisyunan ni Tito na pauwiin na kami. Narinig kong tumunog ang lamesa at naramdaman ko ding may umupo sa sofa na nasa likod ko, nakaupo kasi ako sa may carpet. Pagdilat ko ay lumingon ako kay Mayari ng maramdaman kong may idinudukdok syang kung ano sa balikat ko, naka pambahaya lang kasi ako madalas kapag nasa bahay ay maikling shorts at naka sando lang ako, normally lahat ng suot ko ay palaging black. Kung hindi black ay may touch of black or nude colors and vintage ones. Yung libro, inabot niya sakin yung libro at ng kunin ko yun ay napansin ko ang letrang nasa taas pabaliktad nya kasing inabot sakin yun kaya ang unang nadapuan ng paningin ko ay ang page number na ang nakasulat ay X.   

"X." Muli kong tiningnan ang libro.

"Kumain ka muna. Di pa tayo nagla-lunch oh, Mara." tsaka inilapag sa harap ko ni Mayari ang pagkain nakatabingi ang ulong nag-iisip na humarap sa kanya.

"Simbahan, X. X. Simbahan." Muli kong inalala ang bawat perang pinakabisado sakin ni Mommy. 

**

"Okay, Mara. Ang pag-aaralan natin ngayon ay ang Philippines bills, handa kana ba?" Sa edad na tatlo, ay tinuruan ako ni Mommy na magbasa at magsalita ng ibat-ibang lenggwahe. Sa edad na lima, ay tinuruan niya akong magbilang at magsolve ng mga puzzles. Sa edad na pito kung hindi si Papa ang kasama ko sa pag-aaral ng Arnis ay eto naman si Mommy at may ituturo nanaman sa aking panibagong exercises. 

Tumango ako sa kanya ng buong giliw at umupo ng maayos sa upuan tsaka ipinatong ang mga kamay sa babasaging lamesa, nandito kami sa may patio ng bahay kaharap siya ay nakalatag sa lamesa ang ibat-ibang uri ng pera."Kailangan kabisaduhin mo ang bawat isa sa mga ito, kung anong bilang, kung sino ang inilagay, at sa likod ano ang idinikit na lugar o pagkakakilanlan ng bawat isa, okay?"Tumango akong muli.

MAHARLIKA: Pearl's Of The OrientWhere stories live. Discover now