Chapter 2

12 1 0
                                    

After nang encounter ko sa kanya ay hindi niya na ako tinantanan. Pagkasabi niyang babalik siya kinabukasan ay bumalik talaga siya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ako ang nagbabantay dahil ay may practice ako for school. Habang ako ay nag-iimpake sa mga gamit ko ay nakita ko ang kuya ko na palaging tulala o kaya ay humihinga ng malalim na hangin. Kahapon pa ito, di ko alam ano ang nangyari. Nareject ata ang kumag. Pati nga mama ko ay nawe-weirdohan sa kanya eh.

"Bakit ka tulala? Na-reject k aba?" tanong ko sa kapatid ko. Tumingin siya sa akin at nag-sad face. "Wait...so totoong may pinopormahan ka? Tapos na reject ka?" hinding makapaniwalang tanong ko sa kanya. Okay lang naman kaya na malate ako sa practice. Umupo ako sa harapan niya at kunot-noong nag-antay sa kanyang sagot. Huminga ulit siya ng malalim at tumingin sa akin. "Oo bunsoy, rejected ang gwapo mong kuya. May gusto nang iba ta sang iba ay yung bestfriend ko na si Jefferson." Pag-aamin ng kuya ko kaya ay ako naman ay ganadong nakigchismis.

Excuse you lang ha? Ngayon lang ako ganito. "Oh? Tapos? Ano nangyari?" usisa ko sa kanya. "Sinuntok ko siya bunsoy. Dahil tinake advantage niya eh." kumunot uli ang noo ko sa kanyang sinabi na take advantage. "What do you mean by that?" malamig kong sabi sa kanya. Nahalata niya naman kaya ay pinakalma niya ako. "Ah! Hindi ganon na take advantage bunsoy. Ano kasi, ginagamit niya si Zandrea. Doon niya pinapagawa mga school works niya. Tapos ngayon ko lang nalaman." Tumango lang ako sa sinabi niya at kumalma.

"Practice ka ngayon? Oo nga pala. Bunsoy, kaibigan mo pala si Cy?" tanong ng kuya ko kaya ay huminto ako sa pag-aasikaso sa mga kagamitan ko sa bag. "Cy? Sino yang alien na yan?" narinig kong humagalpak sa tawa ang kapatid kong may saltik. "Yung si kanto boy bunsoy!"sagot ng kapatid ko sa tanong ko. Bigla nalang ako nakaramdam ng inis nang binanggit ang lalaking iyon. Hindi ko pa nakalimutan na tinawag niya ako sa corny at cringe na endearment na iyon.

"Di ko yun kilala. Stranger yun." Sabi ng may halong pagkabitter. Totoo naman kasi na hindi ko yun kilala at kaibigan. Just because na nagpapansinan kami ay friend na. "Oy mabait yun bunsoy! Boto ako sa kanya. Magkakasundo kami non." Masigla at supportive na tugon sa akin ng kapatid ko. Kaya ay tinaasan koi to ng kilay. "Wala akong pakialam diyan." Malditang sagot ko at isinuot na ang backpack. Tinawanan lang niya ako at may pahabol pang hirit. "Sige ka! Magmaldita ka at walang magkakagusto sayo!"

Permission to kill that kapatid of mine po? Ginigil nanaman niya ako. Lumabas ako sa gate naming na nakasimangot at walang pinapansin na mga kapitbahay. Pakialam ko ba sa kanila. Hindi naman kami close. Tiningnan ko ang phone ko at ang rami ng notifications sa messenger kung saan na ba ako. Nagreply lang ako ng 'otw'. Pagkatapos non ay naglakad papunta sa kabilang kanto para mag-antay ng masasakyan. Ang init kaya ay naghanap ako ng masisilongan dahil hindi ko nadala ang payong ko.

May narinig akong matinis na bell o ring ng isang bisikleta. Tiningnan ko kung saan direksyon ang nagbell o ring nga at natagpuan ko ang lalaking nakangisi habang kumakaway papunta sa aking direksyon. I groaned and sighed in annoyance after. Sa lahat ng makikita ko ang anak pa ni Madam Awring na si Empoy. Ayaw ko itong maka-usap dahil ang daldal at hindi nauubusan ng topic. Siguro ay family genes na nila ang pagiging madaldal. "Hi Alora. You look so ganda talaga. Saan lakad mo?" tanong niya sa akin habang tiningnan niya ako sa paa hanggang ulo.

"Ugh... he's making me uncomfortable." I said while I looked the other way. I have to put my guard up basta magka-usap kami nitong lalaking to. "Wala kanang pakialam don." Tumawa naman ang garapatang lalaki at bumababa sa kanyang bisikleta. Lumapit ito sa akin at ngumiti. "Ang sungit mo talaga kaya gusto kita eh. Hatid na kita beautiful." Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit ay may pumigil sa kanya.

"Pasensya ka na tol, pero di mo ba alam na hindi komportable sayo ang babyloves ko?" kalmado ngunit may diin na pagkasabi ni Itto. To think na makikita ko siya rito. What is he doing? "Babyloves?! Ulol! Sa tingin mo maniniwala ako sayo?" galit na asik ni Empoy at tinabig ang kamay ni Itto. Hindi naman nagpatinag si Itto at tahimik na nakatingin lang kay Empoy. Hindi ko alam ano ang mararamdaman ko nang pumunta si Itto sa aking harapan upang humarang.

My Lovely Kanto boyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant