Ilang sandali pa akong nagtagal sa labas bago ko napagpasyahang pumasok. Bitbit ang cellphone ay akma na sana akong papasok sa loob ng kuwarto nang may nag door bell.

Taka ko iyong tiningnan. Inayos ko ang suot na silky black shorts and white shirt tsaka tumungo sa may pinto.

Muling tumunog ang doorbell kaya naman binuksan ko na agad iyon nang hindi man lang tinitingnan ang peephole.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin si Axel na nakasimpleng black sweatpants and white shirt lang din. Hawak nito sa kanang kamay ang cellphone at seryosong nakatitig sa akin.

"Ah..bakit?" I smiled.

Bumaba ang mga mata niya sa suot ko at tipid na tumango bago bumalik sa akin ang mga mata.

"Kumain ka na?" He almost whisper. "Pababa na rin kasi ako, natanong ko lang..baka kasi hindi ka pa nakain."

Napakurap-kurap ako bago umiling. "T-Tapos na ako."

His forehead creased. "Hindi ka pa nababa mula kanina."

"May order ako," tinuro ko pa ang loob para imuwestra sa kaniya.

Akma pa itong sisilip nang iharang ko ang katawan at isarado ng kaunti ang pinto. Tumaas ang kilay ko sa kaniya.

Kahit kailan chismoso pa rin talaga ang lalaki.

He cleared his throat. "Oh? Okay."

"Okay," tumango ako, hinihintay na umalis na siya para maisarado ko pero hindi ito kumilos. "Yes?"

Sandali itong tumitig sa akin bago bumuntong hininga. Umiwas ito ng tingin at muling tumitig sa akin. What the hell is he doing?

"Can we talk?" Malalim ang boses na aniya.

Wala akong ibang naramdaman kundi ang sakit nang pagtanggi sa akin ni Calli kanina. Unti-unti kong naalala ang pag-iyak ni Calli nang itanong niya sa akin ang tungkol sa papa niya.

Namuo agad ang luha sa mga mata ko at kahit anong tanggi at iwas ko sa kaniya..alam kong hindi ko ito habambuhay na matatakasan.

"Chenny.." he called my name sofly when he notice my changed expression.

I want to punch him straight to his face for having the courage to call my name! Anong karapatan niyang tawagin ako, kung hindi niya man lang ako hinabol noon?

Mariin kong ipinikit ang mga mata at paulit-ulit na inisip ang anak ko. Kailangan kong isantabi ang galit sa puso ko at hayaan siyang malaman ang totoo.

This is not about us. It's about our daughter.

"Kailangan nga talaga nating mag-usap, Axel." Tipid ko siyang nginitian at nilawakan ang bukas ng pinto.

Nakitaan ko ng gulat ang mga mata niya. Hindi agad siya nakakilos kaya tinaasan ko siya ng kilas at isinenyas ang daan papasok.

"Tatayo ka na lang ba riyan?"

Umiwas ito ng tingin sa akin saka naglakad papasok. Isinarado ko ang pinto at tiningnan siya na parang out of place sa loob ng condo ni Kuya Arman.

Saglit niyang iginala ang mga mata sa loob at muling tumingin sa akin.

"I thought you ordered?"

Napakurap-kurap ako at tiningnan ang lamesa na kitang-kita mula rito.

"N-Naubos ko na." I rolled my eyes and walked past him.

Umupo ako sa couch at ganoon din naman ang ginawa niya. Nahiya pa ako na mukhang hindi siya komportable sa maliit na upuan sa harapan ko.

"Gusto mo bang magpalit tayo?"

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now