Pagdating namin sa parking, I checked myself on the mirror. Maayos pa naman iyong itsura ko. Tapos ay napa-tingin ako sa gilid kasi naramdaman ko si Lance na naka-tingin sa akin.

"What?" I asked.

"Nothing," he replied as he shook his head.

Kumunot ang noo ko. "Okay?" sabi ko at saka muling nagreapply ng lipstick. He was just watching me while I was doing my thing. Nang matapos ako, tumingin ako sa kanya. "Shall we go in?" I asked.

He nodded, but instead of going out, he leaned in and kissed me. Bahagyang nanlaki iyong mga mata ko sa gulat. We'd been going out for a while now... pero iilang beses pa lang niya akong nahahalikan. Hanggang ngayon, naninibago pa rin ako. Iba kasi iyong sa kanya... O baka hindi lang ako sanay. Baka nasanay lang talaga ako sa dati na masyadong... madaming nangyayari.

And then the kiss ended.

Naka-tingin lang siya sa mukha ko na parang kinakabisado ang bawat parte non.

"Let's go," sabi niya tapos ay lumabas na kami.

Lance and I walked side by side. Kaya nga siguro natanong kami ni Tal kung kami ba talaga ni Lance kasi formal talaga kami kapag nasa labas. Bihira lang din naman kami magka-time na magkasama kaming dalawa lang kasi busy kami sa work pareho.

Pagpasok namin sa loob, ni hindi man lang ako naka-kuha ng drinks dahil agad na pinakilala ako ni Lance sa mga lawyers.

"Nice meeting you," I said to each and every lawyer Lance introduced to me. Lahat sila ay may posisyon—either partners ng mga law firm, mga judge, justice, o solicitor general.

"What's your focus?" tanong sa akin.

"Not yet sure," sagot ko.

Naramdaman ko iyong kamay ni Lance sa likuran ko. "She's considering arbitration," he said on my behalf. Napa-tingin ako sa kanya at bahagyang napa-kunot ang noo. "Or maybe she'll give Corpo a try?" dugtong niya tapos ay naka-tingin sa akin.

Bahagya pang muling kumunot ang noo ko bago ako tumango at tumingin sa mga kausap namin. "Maybe," I said with a smile.

"That's good to hear," sabi sa akin. "Our department needs new lawyers."

Humalakhak si Lance. "I doubt if papakawalan ng partners si Atty. Hernaez," sabi niya at saka binida sa mga kausap namin na Top 1 ako at kung anu-ano pa. I was starting to feel self-conscious dahil sa lahat ng papuri na sinasabi ni Lance tungkol sa akin. I don't even do that myself—I don't introduce myself as Atty. Tali unless client kita. Mas lalo namang hindi ko sinasabi na Top 1 ako sa BAR. I mean, yes, nakaka-proud naman talaga 'yon, but it's just my work... It's just something that I do... It's not who I am.

I needed a drink—pero hindi ako makaalis dahil humahanap pa ako ng tyempo. Ang dami kasi talagang pinapakilala sa akin ni Lance na hindi ako makaalis-alis sa tabi niya.

"Where are you going?" Lance asked nang tumalikod ako. Umalis kasi iyong kausap namin. Finally.

"I'll just get a drink," I told him. "Also, aalis na rin ako."

"Can't you stay? 'Di pa dumadating si Justice Esguerra."

"Baka hindi na dadating," I replied. "Marami pa akong gagawin bukas."

"Yeah, I know, but it'll be nice for you to meet these people, Tali. They can help you grow your career. In our line of work, connection is everything."

I looked at him. "Fine," I replied since ayoko na pagtalunan pa 'to. Nakikipag-argue na nga ako bilang trabaho, the last thing I would want is to also argue in real life. "I just need a few minutes to myself."

Game OverWhere stories live. Discover now